^

Pang Movies

Mga bagets, dapat turuang rumesponde

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang casual na lang ‘yung meron kang kasabay na ambulance sa daan. Hindi gaya dati na hindi ganun karami o kadalas mong nakikita ang mga ambulance, now parang imposible na sa biyahe mo na wala kang makasabay, kahit isa.

Dahil nga siguro sa rami nang ina-admit sa hospital, kaya kadalasan merong ambulance sa kalye.

Very reassuring na kung merong may sakit ay nariyan agad ang ambulance na parang hospital on wheels dahil kaya nilang magbigay ng first aid sa pasyente.

Very calming din para sa isang pasyente na madali ang response ng tatawagan niya para maghatid sa kanya.

Malaking tulong din iyon dahil sa gitna ng taranta mo, merong medical advice na maibibigay sa iyo ang kasamang nurse na nasa ambulance.

Kaya dapat may mga number tayo ng hospital at doctors lalo na sa panahon ngayon. Kailangan talaga huwag mataranta, alam ang gagawin sa emergency. Kahit ang mga bata ay dapat nang turuan kung paano tumawag sa police, fire department at ambulance, just in case.

Mga disinfectant, epektib pa ring regalo

Talagang hanggang ngayon very ‘in’ pa ring panregalo ang mga alcohol, sanitizer, mask at sabon. Dahil nga sa health protocols na dapat lagi nating sinusunod dahil hindi pa rin tapos ang pandemic, very timely ‘yung ibinigay ni Chemist Pinky Tobiano, set ng mga Viralcyde Max Alcohol na talagang ang bango at may moisturizer kaya hindi nakaka-dry ng skin. ‘

By the way, yung programa niyang Grateful Tuesdays sa Facebook ay magbabalik uli, at this time si Jaya na ang kanyang co-host.

Bagay kay Chemist Pinky Tobiano ang kanyang mala-charity talk show na talagang ang daming natutulungang tao, kaya naman hinahanap-hanap ng viewers tuwing nagha-hiatus siya dahil nga sa mga tulong na ibinibigay nito sa mga kababayan natin.

At isa sa pinanggi-give away niya ang Viralcyde Max Alcohol na talaga namang malaking tulong para sa kalinisan especially now na meron na namang bagong variant ng COVID-19.

Talagang lahat ng products ng COVID-19 ay nasa bayan na natin dahil buhay pa rin ang virus.

RESPETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with