DZRH at DWIZ, magiging parang DZMM na
Majority ng mga empleyado ng Kapamilya network ay hanggang sa katapusan na lamang ng buwang ito, most likely on August 28, araw ng Biyernes at ito’y resulta ng pagkakabasura ng bagong prangkisa ng mga kongresista sa ABS-CBN.
Bukod sa mga empleyado, marami ring talents – artista, writers, production people, radio and TV anchors, TV hosts at iba pa ang nawalan ng trabaho dahil maraming programa ang nasakripisyo. Ito na bale ang pinakamalungkot na pangyayari sa bakuran ng major media network na mahigit 65 years naglingkod sa bayan at nagbigay na impormasyon, news, entertainment at public service.
Ang mga veteran radio anchors na sina Anthony Taberna at Gerry Baja ay tuluyan nang nagpaalam sa DZMM (ng ABS-CBN) last July 31, 2020 na naging tahanan nila ng mahigit dalawang dekada at 17 years naman ang naging tambalan nina Anthony at Gerry, ang Dos Por Dos. Ang dalawa ay lumagda na ng kontrata sa DZRH ng Manila Broadcasting Company (MBC) nu’ng nakaraang Huwebes, August 20, 2020 (8-20-2020) at muli silang mapapakinggan sa himpapawid simula sa darating na Lunes, August 31, from 5 p.m. to 6:30 p.m. na halos same time slot nila dati sa DZMM.
Samantala, nagpaalam na rin sa DZMM ang veteran radio anchor, newscaster and commentator na si Vic de Leon Lima kahapon, August 22, araw ng Sabado sa kanilang tambalan ni Mark Logan, ang Tandem: Lima at Logan.
Si Vic ay naging bahagi ng DZMM sa loob ng 34 years since August 1986.
Mahirap man lisanin ang naging tahanan niya ng 34 years, buong positibo namang haharapin ni Vic ang panibagong hamon ng kanyang karera bilang isang broadcaster sa panibago niyang tahanan, ang DWIZ ng Aliw Broadcasting Corporation.
Si Vic ay mapapakinggan araw-araw tuwing umaga, simula 7 a.m. to 9 a.m. sa paghahatid ng balita at komentaryo kasama ang dati ring talent ng DZMM at ABS-CBN na si Alex Santos.
Ang bagong daily morning program nina Vic at Alex ay makakatapat ang pang-umagang programa nina Kabayan Noli de Castro at Ted Failon sa DZMM on a digital platform na may live streaming sa YouTube and Facebook Live account ng ABS-CBN.
- Latest