^

Pang Movies

Pagiging ambassador ni James, pinagtaasan ng kilay ni Sec. Locsin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kagaya rin ng marami, kabilang na nga si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, hindi rin namin alam kung ano nga ba ang gagawin ng isang “food security ambassador.”

Marami ang nagulat nang mag-post si James Reid ng picture sa social media, may hawak na isang paso na may nakatanim na “ornamental plant” at gumawa ng announcement na siya ay itinalaga ni Agriculture Secretary William Dar na “food security ambassador.” Walang duda, honorary title iyan, wala namang suweldo at walang powers, pero ano nga ba ang kanyang gagawin?

Ipapakita ba si James na nagtatanim ng palay habang nagra-rap ng “Magtanim ay di biro?” Gagawa ba siya ng mga pamamaraan upang masigurong magpapatuloy ang distribution ng NFA rice at mga lata ng sardinas, at instant noodles? Sasama ba siya sa mga nagtitinda ng gulay sa harapan ng building ng Department of Agriculture? Pero hindi na kailangan iyon. Nakapila na ang bumibili ng mga murang gulay doon kahit na wala si James.

Nakakatawa nga lang dahil sa panahong ito na ang pinag-uusapan ay ang bagsak na ekonomiya, ang kawalan ng hanapbuhay, ang pagtigil ng edukasyon at marami pang problema dahil sa pandemic, aba biglang nagkaroon ng isang food security ambassador, si James Reid nga.

Kaya nagkakatanungan, walang paliwanag eh kung ano ang talagang gagawin ni James Reid. Wala ring paliwanag kung ano nga ba ang tungkulin ng isang food security ambassador. Hindi rin masasabing purong Pinoy si James Reid, dahil kahit na Pinay ang nanay niya, buong buhay niya ay namuhay siya sa Australia at dinala lang ng tatay niya sa Pilipinas noong siya ay 15 years old na. Hindi nga natin alam kung kumakain ba si James ng malunggay, o iba pang karaniwang gulay natin. Pero food security ambassador na siya eh, eh sige na nga.

ABS CBN franchise matatagalan pa!?

Wala pa ring nangyari sa mahigit na dalawang oras na unang hearing ng Kamara sa franchise ng ABS-CBN, maliban sa pagbasa lamang ng mga “opening statements.” Gaya nang dati, idiniin ng ABS-CBN na kung hindi sila papayagang magbukas, mawawalan ng trabaho ang kanilang mga tauhan. Sinabi pa nila baka sa susunod na linggo ay maglabas na sila ng listahan ng mga empleyadong matatanggal.

Nagkasundo naman silang magkaroon ng kasunod sa hearing sa Lunes, mula ika-siyam ng umaga hanggang ala-una ng hapon. Pero napakahabang usapan pa niyan, ibig sabihin matagal pa bago mabuksang muli ang ABS-CBN. Sa ngayon, sa cable channels at social media na lang sila makakapasok.

TEDDY BOY LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with