^

Pang Movies

Sylvia at Art, clear na sa pneumonia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sylvia at Art, clear na sa pneumonia

Good news na clear na raw sa pneumonia ang mag-asawang Sylvia Sanchez and Art Atayde.

Ito ang ibinalita ng anak nilang si Ria Atayde sa panayam ng Starstudio.ph.

“It has truly been overwhelming and reassuring knowing that there are so many people praying with and for us and our pa­rents’ speedy recovery. As of today (she sent the message yesterday, April 8), we have been told that our parents’ lungs are finally cleared from pneumonia. Ano­ther test has been done to see if they’re negative for COVID-19 before they can finally go home,” ayon kay Ria sa ipinadalang mensahe sa nasabing online magazine.

Isa pang magandang balita, so far, sa kanilang apat na magkakapatid ay wala naman daw nagpapakita ng symptoms ng COVID-19.

Ayon nga sa isang source na nakausap namin, nang mag-positive sa COVID-19 ang mag-asawa ay alalang-alala raw si Ibyang (tawag kay Sylvia) sa kanilang bunsong anak na si Xavi dahil katabi pa raw nila itong matulog sa bahay.

Sey pa ng source namin ay hindi raw alam ni Ibyang kung paano nila na-contract ang virus pero bago nagkaroon ng enhanced community qua­rantine ay nakipag-meeting daw ito with some people kaya maaaring du’n nito nakuha. Kung sino ay hindi raw nito alam.

Matatandaang March 31 nang inanunsyo ni Ibyang sa kanyang social media accounts na positive sila ng kanyang mister sa COVID-19.

Angelica nag-ayuda kay John

Nakaka-good vibes ang ipinost ni John Prats na dinalaw siya ng kaibigang si Angelica Panganiban sa bahay ngayong araw. Sa larawan ay makikitang nasa sasakyan lang ang aktres na naka-face mask at hindi na bumaba. Ibinaba lang niya ang bintana nito.

Medyo malayo naman sa car si John which means they were practicing social distancing. Pero makikita sa video na tuwang-tuwa ang aktor sa pagbisita ng kaibigan.

Ang misis naman ni John na si Isabel Oli ay nakadungaw lang kay Angelica sa bintana ng kanilang bahay sa 2nd floor at hindi na bumaba.

Tila may hinatid si Angelica kay John dahil nang paalis na ang aktres ay sinabi niyang “mag-iisip ulit ako ng ide-deliver.”

vuukle comment

ART ATAYDE

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with