^

Pang Movies

Local tours mas mahal pa kesa mag-travel sa Japan at Korea

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Alam mo Salve, pag nakausap ko si Sec. Berna Romulo Puyat sasabihin ko sa kanya na dapat ang gastos para sa travel dito sa atin ay gawing mas mababa. Alam mo bang mas mahal pa pumunta sa Cebu kesa sa Hong Kong? Mas mahal pa ang Batanes kesa Japan? At mas mahal pang mag-Boracay kesa Korea? Dapat kasi tulad ng ginagawa nila sa Korea at Japan na pag local tourists, mas mura kaysa sa foreigners. Katwiran kasi nila, dapat iyong mga kababayan ang unang makakita ng ganda ng kanilang bayan kaysa iba.

Dito ka nga magtataka kung bakit nagbibiyahe na sa Hong Kong, Korea at Japan ang iba nating kababayan, pero di pa nila nakikita ang Boracay, Cebu o Batanes.

Kasi nga, mas mahal ang package tour natin dito kaysa sa ibang bansa, siyempre uunahin mo nang pumunta sa abroad ‘di ba? Pero kung siguro affordable ang local tours, marami rin ang magkaka-interest na dito na lang sa atin mamasyal.

Ang ganda ng Pilipinas, pero minsan mas naa-appreciate ito ng foreigners kasi nga ang mahal ng tours.

Naku sumbong ko sila kay Sec. Berna at kay Mons Tantoco, hahaha para ibaba nila cost ng mga local tour. 

Pagbabawas ng kotse, ‘di solusyon sa traffic

Sabi nila ang solusyon sa traffic ay bawasan ang sasakyan.

Imposible sigurong mangyari ‘yun kasi bawat tao, ang unang pangarap ay ang magkaroon ng kotse.

Iyong mga college graduate na nagkakaroon ng trabaho, ang unang dream ay makabili ng kotse. At hindi naman siguro dapat na ang pangarap nila ay pigilan natin dahil lang sa traffic.

Ayusin at pag-isipan lang siguro kung paano maaayos, magiging maganda pa rin tiyak ang resulta ng traffic management.

Lahat naman sa mundo merong traffic, hindi lang sa Pilipinas, kaya tiis-tiis lang, tapos ok na.

Huwag masyadong reklamador, traffic lang hindi natin matiis, e di lalo na mas malaking problema. Harapin ang problema ng maayos, huwag maarte.

MTRCB staff ang titiyaga

Talagang hindi ko kalilimutan mag-thank you kina Yayee at Aimee ng office ni Chairperson Rachel Arenas ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho nila dahil sa renewal ng deputy ID cards pero talagang pinagtiyagaan nilang asikasuhin para lang mapagbigyan lahat ng nag-apply. Ang tiyaga rin nilang sagutin lahat ng inquiry.

Hay naku kung minsan pa naman ang kulit ng mga showbiz writer at talaga kailangan mahaba ang pasensiya mo.

Thank you Chairman Rachel, Yayee at Aimee, job very well done.

BERNA ROMULO PUYAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with