^

Pang Movies

Blind singer na nag-trending, inimbitahan ni Ellen DeGeneres

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Blind singer na nag-trending, inimbitahan ni Ellen DeGeneres
Carl Malone Montecido

Wow, formal na ang invitation ng blind singer na nag-viral habang kinakanta ang Too Good at Goodbyes ni Sam Smith, ng sikat na American TV program na The Ellen DeGeneres Show.

Nauna nang nag-react si Sam at American Idol judge na si Kelly Clarkson sa mahusay na version ng estudyante ng Bacolod na si Carl Malone Montecido habang kumakanta sa karaoke set up sa isang mall sa Bacolod.

Decided si Carl na matupad ang pangarap niyang maging singer. Naging contestant siya noong 2017 sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime.

Nag-guest na dati si dating Charice Pempengco na si Jake Zyrus na ngayon at si Marcelito Pomoy sa Ellen DeGeneres Show.

Julia magpapaka-­daring kay Tony

Opisyal na ang pagiging Kapamilya nina Ivana Alawi, Tony Labrusca, at Donny Pangilinan matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakailan. Ito ay sa kabila ng bantang pagsasara ng network kahit sinasabing hanggang 2022 pa ito puwedeng mag-operate kahit hindi i-renew ng Congress ang kanilang franchise.

Ani Ivana, na kasalukuyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano, “Isa itong dream come true. Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na ‘yun.” Pumirma rin ng kontrata si Ivana sa Star Cinema at Star Music.

 Samantala, nagbigay naman ng patikim ang James & Pat & Dave star na si Donny Pangilinan ukol sa mga proyektong kaniyang ginagawa ngayong taon, kabilang ang isang bagong music release. Nang tanungin tungkol sa genre ng pelikula at teleserye na nais niyang gawin ngayong 2020, action ang unang lumabas sa bibig ng aktor.

 Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto; ilan lamang ito sa mga proyektong nakahain ngayong 2020 para sa aktor na si Tony Labrusca. Nang tanungin kung magiging kasing “glorious” ba ng kaniyang proyekto kasama ang beteranang aktres na si Angel Aquino ang kaniyang inihahaing palabas kasama si Julia, sagot ni Tony, “Makikita niyo na lang, at kayo na ang bahalang humusga.”

Betong kakaririn ang pagiging journey host sa Centerstage

Excited na excited na ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya na sumabak bilang journey host sa bagong talent show ng GMA na Centerstage, kung saan makakasama niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards! Sa nakaraang media conference nito, ibinahagi ni Betong ang magiging role niya sa programa, “Kasi ngayon po, ang pinaka-responsibilidad ko po ay maging journey host ng Centerstage. So kalimitan po ang makakasama ko po ay ‘yung mga magulang, ‘yung mga guardians nila, pero nakakausap ko rin ‘yung mga bata at sinasabi ko nga sa kanila na kung hindi man sila palarin ngayon, dire-diretso lang, ‘wag bumitaw sa pangarap.”

Abangan ang quest para hanapin ang next Bida Kid sa Centerstage simula February 16 sa GMA 7!

CARL MALONE MONTECIDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with