^

Pang Movies

Aktres na walang trabaho, nakakaranas ng depression!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Nakakaramdam daw ng depression ang isang female star na produkto ng isang reality TV show dahil wala siyang showbiz projects ngayon.

Wala na kasi siya sa pangangalaga ng talent management department ng dati niyang mother TV network.

Outsider na ang nagma-manage sa kanyang career, kaya parang outsider na rin ang turing sa kanya.

Inilapit na siya ng bago niyang manager sa isa pang TV network at willing na i-co-manage siya sa talent management department ng nasabing TV network, pero wala pa raw desisyon ang mga ‘yon.

Sa ngayon, may pakonti-konting raket si female star dahil malakas naman siya sa social media at marami siyang followers, pero hindi naman daw sapat ang kinikita niya sa mga ‘yon.

Ex ni female star ang isang singer/actor ng iniwanan niyang TV network at feeling niya ay “mas marami” ang kampi sa ex-boyfriend niya kaya nawalan siya ng project doon hanggang umalis na nga lang siya.

Tsk... tsk... tsk...

How sad!

‘Yun na!

Summer filmfest inaabangan ng mga produ

Kahit sinasabing mahina ang Metro Manila Film Festival 2019, marami pa ring mga pelikula ang gustong lumahok sa first ever Metro Manila Summer Film Festival ngayong April.

Ang mga pelikulang Isa Pang Bahaghari nina Nora Aunor at Philip Salvador, pati ang Jolly Spirit Squad kung saan introducing ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno (na may special participation din sa pelikula) na si JD Domagoso at ilan pang mga pelikula ay naghihintay sa nasabing summer filmfest.

Hindi ko lang alam kung interesado ba ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle na sumali doon dahil wala silang entry sa MMFF 2019.

The last time na kausap ko si Mother Lily ay abala siya sa ilalabas na book tungkol sa Regal Entertainment, Inc. film outfit nila.

Nag-i-schedule na nga siya ng prominent people na puwedeng mainterbyu at magsalita tungkol sa kanilang film outfit na ilang dekada na ring namamayagpag sa local movie industry.

JD ayaw pang mag-full blast sa showbiz

Speaking of JD, isa siya sa regular sa bagong weekly noontime musical/comedy show ng GMA 7 na nag-pilot telecast na noong Sunday.

In fairness, marami akong mga kakilala na nanood ng bagong show ng Kapuso network dahil inabangan nila ang anak ni Yorme Isko.

So, exclusive na ba sa GMA 7 ang talent na ito ni Daddie Wowie Roxas (na discoverer/manager ni Yorme Isko)?

According sa isang nakausap ko, hindi pa naman daw pumipirma ng kontrata sa Siyete si JD pero malamang daw na ma­ging co-manager sa career ng 18-year old new actor ang GMA Artists Center.

Pero ang nasabing show lang daw muna ang puwedeng gawin ni JD dahil nakapangako raw ito kay Yorme Isko na ang studies ang priority nito.

Ang bongga!

METRO MANILA FILM FESTIVAL 2019

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with