^

Pang Movies

‘Sana pag good customer, good service din’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ayoko sanang mag-post pero dahil good client ako na nagbabayad on time kaya dapat na makarating ang reklamo ko sa SkyCable.

Halos one week nang tumatawag sa phone nila ang kasama ko sa bahay na si Mel para puntahan at ayusin nila ang cable ko pero wah reply at wah sila dating.

Noong una, natatawa ako pag nakikita ko na naiinis ang staff ni Bambbi Fuentes na pagtawag sa SkyCable dahil wala raw dumarating na technician.

Ewan ko kung mula sa SkyCable, lumipat na siya sa Cignal dahil sa inis pero now na ako na ang naka-experience, naloka ako.

Imagine, dalawang digital box ang monthly ay binabayaran ko pero hindi nila mapuntahan at walang sumasagot sa kanilang mga business phone kapag tinatawagan.

Magpalit na rin kaya ako ng cable provider o huwag na lang kaya akong gumamit ng cable TV?

Dapat kapag good customer tayo, good service din ang matatanggap natin ‘di ba Ms. PatP Daza?

Ipaayos mo naman ang cable ko, please?

Cong. Mayor Toby Tiangco hindi isnabero

Naku Salve ha, meron kang kasalanan sa akin, hindi mo ni-remind birthday ni Papa Congressman Mayor Toby Tiangco.

Isa pa naman sa pinaka-love ko na BFF natin si Cong Mayor na eversince, Papa Toby na ng lahat dahil isa siya sa pinaka-sweet at kind BFF ng halos lahat ng showbiz writers.

Si Papa Toby, kahit saan mo makita, parang regular guy lang na siya pa ang unang babati sa’yo.

Hindi siya ang tipo ng politician na plastic at babati lamang dahil kailangan.

Si Papa Toby, feel natin ang concern at honesty. Kaya hindi kataka-taka na mahal na mahal ng mga residente ng Navotas ang mga Tiangco dahil talagang para sa mga kababayan nila ang kanilang puso na bukas sa lahat ng needs ng mga tao sa pagtulong kaya kahit ano ang posisyon takbuhan nila, tanggap sila.

We love you Papa Toby Tiangco, at wishing you all the best sa lahat ng endeavors mo. Happy birthday, we miss you.

Young entrepreneurs kitang-kita ang sipag

Christmas time na talaga at isa mga unang bumabati sa akin kapag ganitong panahon sina Ryan at Vanni Patillas ng IVI Methatatione.

Ugali na nila na bigyan ako ng bag o wallet na may laman na red envelope. Isa sila sa mga rich Asian friends ko na napaka-thoughtful all these years at nakita mo naman Salve na pati Take It... Per Minute! (Me Ganun) supportive sila, mga young entrepreneur na kitang-kita ang sipag.

Very agressive ang IVI Meth na nanggagaling sa Japan ang mga produkto. Ang gusto ko nga, isama nila tayo sa planta ng IVI Meth para personal na makita natin ang paggawa nila ng soap, lotion, body wash, day and night cream, plus ang napaka-effective na collagen drink.

Thank you Ryan and Vanni for always remembering, plus si Ana at Mila na very competent staff nila. Special mention siyempre si Mayette na loyal na loyal kay Ryan at Vanni. IVI Meth, the best.

Thank you.

SKYCABLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with