^

Pang Movies

Jacqui Magno isinekretong may pancreatic cancer

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Isang araw lamang ang pagitan ng paglisan ng movie and TV icon na si Eddie Garcia na sumakabilang-buhay nung nakaraang Huwebes, June 20 ng 4:55 p.m. sa ICU ng Makati Medical Center kung saan siya in comatose state sa loob ng 12 araw matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya sa ta­ping ng isang upcoming action-drama TV series ng GMA, ang Rosang Agimat na pinamamahalaan ni Toto Natividad nung nakaraang June 8 ng umaga in Tondo, Manila. Kinabukasan ng hapon, June 21 ay isa namang jazz music icon ang pumanaw, ang 65 year-old na si Jacqui Magno.

As early as February this year ay na-diagnose si Jacqui ng pancreatic cancer na nasa stage 4 na pero ito’y nailihim sa publiko kaya walang nakakaalam na malala na pala ang sakit ng mahusay at kilalang jazz singer.

Halos walang nakakaalam tungkol sa kanyang sakit kaya ganoon na lamang ang pagkabigla ng lahat including her colleagues in the music industry.

Agad nagpaabot ng kanilang pakikidalamhati sa mga mahal sa buhay na iniwan  ni Jacqui ang kanyang mga kasamahan sa music industry na pinangunahan nina Lea Salonga, Richard Merk, Vivian Velez at marami pang iba.

Ilan sa mga awiting identified kay Jacqui ay ang Bridges, Do You Believe In the Power of Love, Vision of a Dance, Lobing, Paglingon and Return of the Native.

Heart, 13 lang nang maging endorser

Ang Kapuso star na si Heart Evangelista ang brand ambassador ng Thiocell, isang premium oral glutathione supplement in lozenges form na produkto ng Brady Pharma, Inc. na pinamumunuan ng Director at COO ng kumpanya na si T.K. Rameash.

Ang maganda, hindi pa man kinukuha si Heart bilang celebrity endorser ng Thiocell ay user na siya ng produkto as early as last year dahil sa magandang epekto nito sa kanyang skin kaya hindi naging mahirap para sa kanya na tanggapin ang alok ng Brady Pharma, Inc. na siyang manufacturer and distributor ng Thiocell.

“I only endorse products that I believe in at ginagamit ko talaga,” pag-amin ni Heart during the formal launch with her as the brand ambassador.  Nagpapasalamat din siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga tao behind Brady Pharma.

Thirteen years old pa lamang si Heart nang siya’y magsimula bilang celebrity endorser na hanggang ngayon ay patuloy pa rin niyang ginagawa sa edad na 34.

Bukod sa pagiging product endorser, si Heart ay isang singer, actress, painter, fashionista, entrepreneur at misis ng outgoing senator now governor-elect ng Sorsogon na si Chiz Escudero.  Step-mom din siya ng twins ni Chiz sa kanyang ex-wife na si Christine Flores na sina Chesie at Quino na parehong close sa kanya.

vuukle comment

JACQUI MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with