^

Pang Movies

Jennylyn pinag-aaral ng painting ang anak kay Solenn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jennylyn pinag-aaral ng painting ang anak kay Solenn

In-enroll ni Jennylyn Mercado ang anak na si Alex Jazz sa painting class ni Solenn Heussaff dahil nakikita niyang may hilig daw ito sa pagpipinta.

“Sabi ni Solenn, basta nag-e-enjoy lang ‘yung bata, happy na rin siya,” kuwento ni Jen sa presscon ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Love You Two.

Natutuwa rin ang aktres sa magagandang words ni Solenn sa kanyang anak.

“Sabi ni Solenn, ang bait daw (ni Jazz), very calm, saka nag-e-enjoy daw talaga,” kuwento pa niya.

Bilang ina, talaga namang kapuri-puri si Jen na kahit working mom ay parating may time para sa kanyang anak. Needless to say, si Jazz ang kanyang buhay at siyang dahilan kung bakit siya nagpapapakahirap sa pagtatrabaho.

When asked kung ano ang dream niya para sa kanyang nag-iisang heredero, aniya, “siyempre, sana ay patuloy siyang lumaki nang may respeto, mabait at gusto ko, matupad ang lahat ng gusto niyang mangyari sa buhay niya.”

Samantala, dahil nga busy sa kanyang bagong soap opera, ngayong Holy Week ay dito lang daw sila sa bahay at hindi sila aalis.

Bukod sa serye ay may mga gagawin ding pelikula ang aktres na kasalukuyan pang inaayos ang mga detalye.

Shaira at Jennylyn acupuncture ang bonding

Kasama rin si Shaira Diaz sa Love You Two at ginagampanan naman niya ang nakababatang kapatid ng karakter ni Jennylyn na magkakagusto naman sa karakter ni Gabby Concepcion.

Parehong puring-puri ni Shaira ang dalawang bida na first time niyang nakasama sa isang proyekto.

Ani Shaira, parang real sister daw talaga ang turing sa kanya ni Jen kahit off-camera.

“Sa kanya ko naramdaman na magka-ate, kasi on and off-cam, sobrang bait niya sa akin, sobrang gene­rous niya. Tuwing gigising ako, magugulat na lang ako sa tent sa table ko, may mga nakapatong na food do’n, so parang ‘ay, ganito pala ang feeling ng may ate,’ so, ang suwerte ko kasi hindi lang sa TV siya ate ko kungdi sa off-cam din,” sey ni Shaira.

Bukod dito ay nakapunta na rin daw siya sa bahay ni Jen at nag-acupuncture sessions pa.

“Ang dami niyang ini-introduce sa akin, napakabait niya,” papuri pa ni Shaira kay Jen.

Samantala, kakaibang rom-com naman ang hatid ng GMA-7 via Love You Two na magsisimula na sa April 22 mula sa direksyon ni Irene Villamor. Mala-pelikula raw ang atake sa serye complete with stunning cinematography na mage-elevate sa usual primetime viewing.

vuukle comment

ALEX JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with