^

Pang Movies

Janine Teñoso tinulungan ni Vice Ganda!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Janine Teñoso tinulungan ni Vice Ganda!

Napakalaking tulong ang ginawa ni Vice Ganda kay Janine Teñoso nang mag-guest ito sa Gandang Gabi Vice may dalawang linggo na ang nakakaraan.

Kung dati ay marami ang nagtatanong kung sino siya, ngayon ay kasama na siya sa Playlist: The Best Of OPM concert na magaganap sa Araneta Coliseum, makakasama niya ang ilang mga malalaking pangalan sa larangan ng musika nung 90s, gaya nina Joey Generoso, Jinky Vidal, Medz Marfil, Jay Durias, Juris Fernandez at Ice Seguerra.

Salamat sa isang cover version niya ng kanta ng Itchyworms, bigla ay umarangkada ang career niya.

Ngayon ay kasama na rin siya sa Viva na nakakita ng kanyang potensyal at sa tulong nito, siguradong mararating niya ang tagumpay.

Moira pressured sa pagiging judge!

Si Moira dela Torre naman ang nabibigyan ng pressure dahil kinuha siyang judge ng Idol Philippines na binubuo nina Regine Velasquez, James Reid, Vice Ganda, at sana ni Sarah Geronimo pero, pinalitan nga siya ni Moira.

Hindi man kasing sikat ng Pop Royalty at bago pa lamang sa industriya si Moira, mabilis naman niyang na-establish ang sarili with her songs na nagsilbing bible ng maraming mahilig sa musika. Maraming mas sikat na singer ang naghihintay lamang diyan sa tabi-tabi pero hindi sinusuwerte na tulad ni Moira.

Ewan lang kung ano ang sey dito ng tatlo niyang kasamahang judges.

Maricel nalinis ang masamang imahe

Malaking tulong kay Maricel Soriano ang ginawa niyang paggi-guest sa Magandang Buhay. Nabura ang lahat ng hindi magandang imahe na nabuo noong siya ay nananahimik. Pinatuna­yan niyang muli kung gaano siya kabuting tao. Being a mother, even to her siblings, friends and even to her co-workers.

Nakapagtataka nga kung paano nagsimula ang pagkatakot sa kanya ng maraming media, gayung she is the sweetest person in real life.

Sana rin dumami pa ang project niya sa Kapa­milya. Hindi sapat ang The Ge­neral’s Daughter para ma-showcase muli ang kanyang talent.

Karla mas priority ang pamilya kesa puso

Obvious na mas priority ni Karla Estrada ang pamilya niya kesa ang boyfriend niya of seven years who has been an OFW for the longest time.

Okay na siya sa long distance relationship nila na hindi naman pinagmamaliw ng lungkot dahilan sa kanilang pagiging malayo sa isa’t isa.

vuukle comment

JANINE TEñOSO

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with