^

Pang Movies

Maagang naulila tatlo sa limang anak ni Kristofer, may hunter syndrome

Gorgy Rula - Pang-masa
Maagang naulila tatlo sa limang anak ni Kristofer, may hunter syndrome
Kristofer

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ang tulong ni Coco Martin kay Kristofer King dahil kaagad siyang binawian ng buhay pagkatapos siyang isinugod sa Adventist Medical Center Manila sa Pasay City nung nakaraang Sabado ng umaga.

Ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz ay kaagad nag-post sa kanilang Facebook account na humihingi ng tulong para sa indie actor dahil biglang tumigil daw sandali ang pagtibok ng puso nito.

Nakarating naman kay Coco ang mensahe at ipinatanong daw kung saan ito naka-confine.

Pero kinagabihan ay nalagutan na ng hininga si Kristofer, at sa pagtatanong namin, hindi na nga raw umabot ang tulong ni Coco.

Naging magkaibigan sina Coco at Kristofer nang magsama sila sa ilang indie films gaya ng Serbis na ginawa ni direk Brillante Mendoza.

Isinama rin siya ni Coco sa Ang Probinsyano pero naging sakitin na noon si Kristofer.

Taong 2004 nang ipinakilala si Kristofer sa showbiz kasama si Katherine Luna na kinuhang bida sa pelikulang Ang Babae sa Breakwater na dinirek ng namayapa na ring si direk Mario O’hara.

Nakitaan sila ng galing, kaya tuluy-tuloy ang paggawa ni Kristofer ng mga indie films.

Sa pagkaalala namin, taong 2009 pa binanggit sa amin ni Kristofer na diabetic siya. Sinasabi pa niyang baka hindi rin siya magtatagal dahil sa malala raw ang kanyang sakit.

Ang inaalala lang nun ni Kristofer ang kanyang mga anak.

Nai-post nga sa Facebook ng kaibigan Mell Navarro na tatlo raw sa limang anak ni Kristofer ay may Hunter Syndrome.

Puwede nyong i-Google kung ano ang ibig sabihin nito, at maaawa lang kayo sa mga bata.

Kaya kahit may mga nagparating naman ng tulong nung nasa hospital pa lang si Kristofer, tuluy-tuloy pa rin ang paghingi ng tulong para na lang sa mga anak niya.

Kahit ang burol nga ng indie actor sa may Rizal Funeral Homes sa Libertad, Pasay ay tulong din iyun ng isang kaibigan.

Pero marami pa raw kailangang tulong para sa naiwang pamilya ni Kristofer, lalo na sa kanyang mga anak. Kaya sa mga gustong tumulong puwede kayong makipag-ugnayan sa dati niyang asawang si Nikki sa telepono 09101139623 o kay Sunny, telepono 09988876137.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, ina-update pa raw nila kung nakarating na ang ipadadalang tulong ni Coco Martin.

KRISTOFER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with