Pinay winner sa Miss Tourism International, walang ingay
Bago matapos ang 2018, nakakuha ulit ng beauty title ang Pilipinas mula naman sa Miss Tourism International sa Malaysia.
Tinanghal na Dream Girl of the Year International ang Mutya Ng Pilipinas 2018 na si Julieane Aya Fernandez at tinalo niya ang 45 candidates mula sa iba’t ibang bansa.
Dumating si Aya mula sa Malaysia suot ang kanyang crown and sash. Nagpasalamat ito sa mga kababayan natin na sinuportahan siya sa naturang pageant.
Malaki raw ang naging impluwensiya nang pagkapanalo ni Catriona Gray bilang Miss Universe 2018 two weeks ago sa Bangkok, Thailand.
“Sobrang nagpapasalamat ako sa support ng mga Pilipino kasi po nu’ng nandu’n ako, siyempre ibang bansa pero parang feel at home pa rin.
“Lahat sila, ‘Naku, Philippines, you’re a threat, you’re a bigger threat now.’ And ang mas nakakatuwa po nu’n, ‘yung mga kabayan po na nasa Malaysia, ‘pag nakikita po nila ako, ‘Ay! Kasamahan ni Catriona,’” ngiti pa ni Aya.
Isa sa advocacy na itutuloy ni Aya ay ang sustainable livelihood and tourism.
Sinimulan daw ni Aya ang livelihood project noong 17-anyos pa lamang siya na nagbibigay ng trabaho sa mga PWD or Persons With Disabilities.
Magtatapos na rin si Aya sa kursong broadcast communication sa University of the Philippines-Diliman sa taong 2019.
Gusto raw ni Aya na makapagtapos ng kolehiyo para maging magandang example siya sa mga babaeng gustong pasukin ang beauty pageants.
Rihanna, pinagluluksa ang pagkamatay ng fan
Nagluluksa ang singer na si Rihanna dahil sa pagpanaw ng kanyang fan sanhi ng sakit na cancer.
Close na close si Rihanna sa kanyang fan na si Monia at kelan lang ay magkasama sila sa pagbukas ng pop-up show niya sa London na Savage X Fenty.
In constant communication ang singer sa kanyang fan kahit nasaan siya. Kaya noong malaman niyang may malubhang sakit ito, panay ang padala niya ng mga comforting messages.
Parang nawalan ng isang tunay na kaibigan si Rihanna noong namatay si Monia.
“Still she pushed forward, fighting the fight everyday with the Navy behind her supporting her every step of the way! We are all heartbroken about this!!! You will never be forgotten! Love you my angel @moniasto fly in peace.”
- Latest