^

Pang Movies

Gaganap na misis ni Bato, nililigawan pa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil sa Biyernes na ang simula ng shooting para sa film bio ni senatoriable Ronald “Bato” dela Rosa, mag-expect tayo na malalaman natin sa linggong ito ang magiging leading lady ng pelikula na mula sa direksyon ni ­Adolf Alix, Jr.

One hundred percent na si Robin Padilla ang gaganap na Bato dela Rosa at waiting na lang ang lahat sa sagot ng aktres na kinausap para gampanan ang role ng misis ng dating PNP chief.

Mapapanood sa kuwento ng buhay ni Papa Bato ang mga kaso na hinawakan at nalutas niya noong ordinary policeman pa lamang siya sa Davao City.

Asahan natin na magkakaroon si Papa Bato ng special participation as himself sa pelikula na pagbibidahan ni Robin.

Bong walang katapusan ang pasasalamat

Maligayang-maligaya si Bong Revilla, Jr. nang dumalo siya kahapon sa flag-raising ceremony sa munisipyo ng Bacoor City dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan niya na taimtim na nanalangin para makalaya siya.

Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ni Bong sa suporta na natanggap niya mula sa mga residente ng Bacoor City na malapit sa kanyang puso.

Ipinangako ni Bong na gagawin niya ang lahat para maipagpatuloy ang pagtulong sa lahat ng mga nangangailangan.

Siyempre, kapag maligaya si Bong, masaya rin ako dahil nakalaya na siya. Hindi biro ang makulong ng mahigit ­apat na taon kaya natural lang na mamahay siya nang umuwi sa tahanan nila ni Lani Mercado.

Hindi madali para kay Bong ang mag-adjust dahil mahigit sa apat na taon ang nawala sa buhay niya pero naniniwala siya na may dahilan kaya nangyari ang mga nangyari.

Alam ko na may mga negative comment at reaction dahil abswelto si Bong sa plunder case pero irrelevant na ito dahil mas mahalaga na malaya na uli siya at kapiling na niya ang kanyang pamilya.

Kabaong ni Alona nakasara

Si Phillip Salvador ang kasama ni Secretary Bong Go sa mga pagbisita nito sa Batangas, Clark at Marikina City noong Linggo.

Nang matapos ang mga lakad nila, dumiretso na si Ipe sa Marian Memorial Chapels sa Antipolo City para asika­suhin ang burol ni Alona Alegre, ang kanyang kapatid na namatay noong Linggo nang madaling-araw dahil sa asthma at cardiac arrest.

Habang kasama ni Papa Bong si Ipe, ang misis nito na si Emma ang punong-abala sa pagpili ng chapel na pagbuburulan ng 70-year old actress na sikat na sikat noong kapanahunan niya.

Closed casket ang burol para kay Alona dahil ito ang napagpasyahan ng kanyang pamilya. Sobrang vanidosa ni Alona noong nabubuhay pa as in hindi siya lumalabas ng bahay nang hindi fully made up kaya ang feeling ng kanyang mga kamag-anak, hindi niya gugustuhin na makita siya na nakahimlay sa loob ng kabaong.

Dahil sa popularidad ni Alona noong araw, favorite co­ver girl siya ng mga magazine dahil bukod sa seksi, napakaganda talaga ng kanyang mukha.

Si Papa Ricky Lo ang isa sa mga kaibigan ni Alona at siya ang may koleksyon ng mga magazine cover ng aktres noong dekada ’70.

vuukle comment

BATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with