^

Pang Movies

Goyo mas malawak ang research ng istorya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Goyo mas malawak ang research ng istorya
Paulo

Nakumbinsi kami ng isang kaibigan na sumama sa panonood ng pelikula tungkol sa buhay ni Heneral Gregorio del Pilar. Kagaya nang dati, nainip kami sa pagsisimula ng pelikula na ayaw yatang simulan dahil naghihintay pa ng manonood. Finally noong walo na kami sa loob, nagsimula na ang pelikula.

Makikita mong pinagsikapan naman nilang gawing maganda ang pelikula, at ang kuwento ay medyo mas malapit na sa katotohanan. Aba eh sa rami nang sources ngayon ng history at hindi mo pa mailapit sa totoo ang kuwento mo, malaking kasalanan na ‘yan. Pero siyempre, si del Pilar ang bida sa pelikula, kaya kahit na nga sa pamamagitan ng mga dialogue ay inilarawan nila kung bakit ‘naiiba’ si Del Pilar, bayani pa rin iyon para sa kanila.

Inamin naman nila sa simula pa lamang ng pelikula na may mga bahaging fiction ang kuwento. Una, walang nakuhang mga tala kung papaano nga ipinapatay ni Heneral Gregorio del Pilar ang magkapatid na Bernal, dahil sila ay sinasabing matapat sa pinaslang ding si Heneral Antonio Luna. Bukod sa magkapatid na Bernal, wala nang ibang sinabi pang naging biktima ni Del Pilar, at ang kanyang pagiging matapat kay Aguinaldo.

Mas marami pa rin talagang matututuhan sa pagbabasa ng tamang kasaysayan. Pero pelikula iyan eh, kaya natural may mga short cuts sa istorya.

Habang nagka-kape kami ng aming kaibigan matapos na mapanood ang pelikula, nagkaroon kami ng comparison sa isa pang pelikula tungkol kay Del Pilar na ang bida noon ay si Romnick Sarmenta.

Nagkasundo kami na technically, mas maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Paulo Avelino. Naniniwala kami na mas malawak ang kanilang naging research sa istorya. Mas marami rin silang nailabas na mga character.

Pero aywan kung bakit sinasabi nilang mas bagay daw na Del Pilar si Romnick Sarmenta. Dahil siguro sa edad ni Romnick nang gawin ang pelikula, at sinasabi nga nila, mas kamukha siya ng totoong heneral.

Rayver inaabangan kung bibigyan ng malalaking role

Opisyal na ang tinatanong pa namin noong isang araw. Kapuso na nga si Rayver Cruz.

Aywan nga lang kung sa kanyang paglipat ay pagkakatiwalaan na siya ng kanyang bagong network na maging leading man. Kung iisipin mo, may potentials naman si Rayver, at may hitsura talaga. Kailangan lang mabigyan ng isang mahusay na director ang batang iyan, at naniniwala kaming may mararating namang talaga.

Sana nga lang, pagtiwalaan na siya ng mas malalaking roles.

Aktor nakapuslit bago na-raid ang isang bar na bentahan ng party drugs

Nakalusot na naman daw ang isang male star nang mas maaga itong nakaalis sa isang bar na na-raid dahil pinaghihinalaang nagiging bentahan ng party drugs. Mayroon naman daw ibang nahuli, pero mga ‘small fish’ lang kaya hindi na nadiyaryo.

Kung kasama sigurong nahuli ang male star, big news ‘yun. Suwerte talaga ng male star na iyan, laging nakakapuslit bago magkahulihan.

 

GREGORIO DEL PILAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with