^

Pang Movies

Nawala na ang nerbiyos, Mommy D relax na lang sa Malaysia

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nawala na ang nerbiyos, Mommy D relax na lang sa Malaysia
Mommy Dionisia

Sinaway talaga ni Mommy Dionisia Pacquiao ang mga politician na nakipagchikahan kay Sen. Manny Pacquiao the night before ng laban niya kay Matthysse kahapon sa Axia­ta Arena sa Kuala, Lumpur, Malaysia.

Eh sa interview kay Mommy D, kung dati ay ninener­byos siya sa laban ni Manny, nasanay na raw siya kaya chill na lang siya hindi tulad nang dati na nagro-rosaryo siya, huh!

Karamihan nga ng mga dumayo sa Malaysia ay mga pulitiko. Ilan sa namataang artista ay ang mag-asawang Pancho Magno at Max Collins. Karay-karay naman ni Sen. Ralph Recto ang anak nila ni Congresswoman Vilma Santos-Recto na si Ryan Christian.

Pero sa pagtugtog ng Philippine National Anthem, hindi na showbiz ang kumanta kung hindi ang tinawag na World Choir na binubuo ng Singing Pastors na mula sa General Santos City.

Pagdating sa coverage sa free TV, hindi na solo ng isang network ang telecast nito dahil sanib-puwersa na ang mga networks sa airing nito pero delayed nga lang, huh!

‘Yun nga lang, para-paraan ang ilang Pinoy na through internet eh nakakakunek sila sa live cove­rage ng Pacquaio-Matthysse fight, huh! Lugi na naman ang pay per view sa diskarte ng ilan nating kababayan!

Kristoffer hindi pa tapos sa ‘galit’ sa mga beki

Malalim ang bagong hugot ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin matapos ang pambabatos na ginawa sa kanya ng netizens kaugnay ng malalaswang tanong sa kanya sa Twitter.

This time, parang may nakabangga siya. Heto ang sunud-sunod na tweets ni Kristoffer pero wala siyang pinanganalan.

“Wag dumating sa point na maninira ka ng buhay ng tao. Kung totoo man o hindi ang nangyari, problema niyo yan. Di kailangan ipaalam sa buong mundo para kumuha ng sympathy.

“There’s always two sides of the story. Mga naapektuhan, ‘wag pavictim.

“Wala ako sa lugar para i-elaborate yung nangyari. Iisang circle kami. Pero nasa lugar ako para maglabas ng saloobin kasi may nadedehado. HINDI SINAKTAN. Ayan capslock para mapansin. Antayin niyo statement na lalabas. Tawanan ko kayo after.

“The past is behind us. Good morning everyone. Positive vibes na,” tweets ni Kristoffer.

DIONISIA PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with