Kris may bagong James na pinaglalaruan
Mukhang hindi na galit si Kris Aquino sa dating asawang si James Yap dahil nakakapagbiro na siya sa kanyang Instagram mentioning his name.
May ipinost siyang larawan kasama ang isang nagngangalang James Lim at sa caption niya ay sinabi niyang may bago na raw James sa puso niya.
“Thank you to the new James in my life, @jampackedbear, #NUTRIASIA’s Corporate Communications & Digital Head. Thank you for the trust & the privilege you’re giving Bimb & me to endorse 3 of your products! May bagong James (Lim) na pumasok sa puso ko...” ang caption ni Kris.
As usual, sa comment section ay kanya-kanya na namang opinyon ang mga tao. May natawa at nagustuhan ang caption niya at mayroon namang hindi natuwa na na-drag na naman ang pangalan ni James.
“You always have to throw shade, don’t you? Move on na, girl!” sabi ng isang netizen.
Sinagot naman ito ni Kris. Aniya, “kaya nga po nakangiti & kayang magbiro. i can laugh at life’s coincidences & count my blessings - that’s why i’m living & really winning.”
Rhian aminado sa problema sa balat
May skin problem pala si Rhian Ramos called rosacea kung saan ay madali raw namumula ang kanyang face. This explains kung bakit siya na lang mismo ang nagme-make-up sa sarili niya dahil at least, alam niya kung ano ang dapat gawin.
“I easily get red blotches on my face, so I usually have a little bit of concealer for that. It needs to be good coverage,” sabi ni Rhian nang makausap namin sa anniversary celebration ng bago niyang endorsement na M&Co Cosmetics ng Vantage International na ginanap last Saturday sa City of Dreams.
Kinailangan ni Rhian ang good quality na cosmetics at natuwa siya nang i-offer sa kanya ang M&Co Cosmetics dahil magaganda raw ang quality ng mga cosmetics ng nasabing brand bukod pa raw sa very affordable ito.
Ayon kay Rhian, seven years na raw siyang nagme-make-up sa kanyang sarili at talagang enjoy daw siyang gawin ito. Marami na nga raw siyang natutunang bagong style sa pagme-make-up sa tagal na niyang ginagawa ito.
“For all of my characters sa tapings, I do my own. Most events, I do my own, even awards nights. I do my own,” sey niya.
Samantala, ang M&Co Cosmetics ay nagsimula lang sa direct and online selling pero ngayon ay may outlets na sila sa ilang SM stores. Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 400 distributors nationwide ang nasabing cosmetic brand with three major headquarters (Metro Manila, Cebu and Davao).
- Latest