^

Pang Movies

KC mas pinili ang kapatid kesa kina Sharon at Gabby

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
KC mas pinili ang kapatid kesa kina Sharon at Gabby
KC

Sa Siargao nag-celebrate ng 33rd birthday niya si KC Concepcion kahapon, April 7,at nakasama niya roon ang kapatid na si Garie Concepcion. Parehong nagpu-post ang magkapatid sa kanilang mga IG, kaya nakita ang enjoyment nilang dalawa, with some friends. 

Mukhang tiniis ni KC na hindi makasama ang inang si Sharon Cuneta o si Gabby Concepcion na sabay pang naospital a few days ago.

Kapuso stars hataw sa US tour

Ngayong umaga sa atin dito sa Pilipinas pero Saturday, 7:00 PM sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA, ang Sikat Ka Kapuso concert nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong Sumaya at Alden Richards.

Based sa mga posts ng GMA Pinoy TV, kita ang magandang bonding nila, lalo na sa rehearsals dahil may idinagdag daw sila sa repertoire ng concert na ididirek ni Rico Gutierrez at si Geleen Eugenio naman ang dance director nila. Tomorrow, Sunday, April 8 doon, sa Sony Center for the Performing Arts sa Toronto, Canada naman ang kanilang performance.

Lovely, dumami ang offer nang mag-cover sa men’s mag

“Ganito pala ang feeling,” kinakabahang bungad ni Lovely Abella nang i-launch siya as the FHM cover girl for April. Nauna nang makasama sa FHM cover na featured ang Bubble Gang Girls last November, 2017, si Lovely, kaya nagulat siya nang tawagan siya kung pwede siyang mag-cover nang solo sa said men’s magazine. Pinaghandaan daw niyang mabuti na maging sexy siya at nagpasalamat siya kay Xander Angeles sa mga shots nito na ginawa sa kanyang Edge of Life studio.

Dating member ng Wowowin dancers si Lovely that time, pero nang mawala na siya sa grupo, tuluyan na niyang pinasok ang showbiz at dahil sa likas na masayahin, nakita ang pagiging comedienne niya at kinuha na siya ng Triple AAA agency at ngayon ay mainstay na siya ng Bubble Gang at Sunday PinaSaya. 

Ano ang nararamdaman niya ngayon after lumabas na ang kanyang men’s magazine?

“Kanina nga po papunta ako rito, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, gusto kong maiyak, pero thankful po ako sa chance na ibinigay sa akin ng FHM. Ang dami pong nakikipag-usap sa akin ngayon, kaya sabi ko nga ito na siguro ang simula ng pagganda ng career ko. May offer na rin po akong natatanggap pero pag-aaralan ko muna at ng management ko. ”

Hindi raw naman naging mahirap i-explain sa family niya ang pagku-cover niya sa FHM. Pero ang anak niyang ten years old ang una niyang kinausap, ipinakita niya ang mga shots niya at sabi raw nito, “mommy, nice ang shots po,” kahit ang kanyang ama ay hindi rin tumanggi, at even ang boyfriend niya, ay naging supportive sa kanya na napa-wow! pa raw nang makita ang pictorial niya

 

vuukle comment

GARIE CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with