^

Pang Movies

Erich kinalasan ng BF sa matinding halikan at bed scenes nila ni Tom?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Erich kinalasan ng BF sa matinding halikan at bed scenes nila ni Tom?!
Erich

Break na nga ba si Erich Gonzales sa boyfriend nitong si Mateo Lorenzo?

Consistent ang naging denial ni Erich sa nasabing bilyonaryong BF diumano niya na identified ng isang source na nakikita ring ka-date ng aktres sa Powerplant Mall.

Ayon sa source, ibi-verify niya ang intrigang hiwalayan nina Erich at Mateo.

Ang maseselang eksena kaya ni Erich kay Tom Rodriguez sa pelikulang The Significant O­ther ang dahilan ng lahat?

Matindi ang kissing and love scenes nina Tom and Erich at siguro nga kahit sinong boyfriend ay maapektuhan lalo na nga at galing sa mayamang angkan ang sinasabing BF na ito ni Erich. At hindi basta mayaman ha.

Ellen

Enjoy sa paglalantad? Ellen malaki na ang tiyan

Mukha namang ini-enjoy na rin ni Ellen Adarna ang pagiging hot item dahil sa umano’y pagbubuntis niya.

Mismong ang ‘fans’ niya ang nagsi-share ng ilang photos na exclusive sa kanila na madalas na pini-pick up ng maraming ko­lumnista – print and digital.

Sa latest post ng fans, nasa airport ang magkarelasyon at kitang-kita na ang malusog na katawan ni Ellen. Ang laki nang itinaba niya at halatang may laman ang tummy base sa nasabing photos. Eh black shirt and pants pa ang suot niya pero lu­tang pa rin ang laki ng idinagdag niyang timbang.

Deactivated na ang old IG account ni Ellen at gumawa siya ng new account. Pero naka-private at dini-delete ang lahat ng mga nagre-request na i-follow siya.

Persistent ang isyu na ikakasal na ang dalawa at mangyayari raw ito very soon.

vuukle comment

ERICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with