^

Pang Movies

Anne ’di naka-score sa korean actor na si Gong Yoo!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Confirmed na adik nga si Anne Curtis sa Korean actor na si Gong Yoo na bida sa eereng Koreanovela sa ABS-CBN na Goblin.

Bumiyahe pa siya sa Hong Kong para ma­kita ang K actor na nag-presscon doon. Sumama siya kay Kuya Kim Atienza na obvious na invited sa nasabing event kaya na-interview niya ang actor na super favorite ni Anne dahil nga sa Goblin.

Kaya lang, hanggang IG story lang si Anne. Wala siyang photo with the Korean actor. “Hindi man ako naka pag selfie or interview like Kuya Kim.  He got me this naman as a souvenir and made me saling pusa sa presscon Kamsahamnida #GongYoo I’m officially overly jealous of @kuyakim_atienza Sya ang tunay natin na kalaban mga girls! Sobrang nakakadurog ng puso ung selfie nila,” sabi ni Anne sa accreditation ID na nakuha niya.

Tanging si Kuya Kim lang ang may solo photo with Gong Yoo na bumango uli ang pangalan sa pelikulang Train to Busan.

Pero bakit kaya hindi na lang ini-assign ni Kuya Kim si Anne na interbyuhin ito para sa kanyang prog­rama?

Actually, medyo may edad na si Gong Yoo kaya hindi type ni Nay Lolit Solis na nababaliw naman sa Korean actor na si Song Joong-ki.

Hay sana naman ‘wag dumating sa puntong mas kabaliwan ng Pinoy ang mga Korean actor.

Anyway, grabe rin ang security ng mga Korean celebs ‘di ba. Imagine, Anne Curtis na ‘yun pero ‘di siya nakalusot ng selfie.

Hindi aktibo ang mga Korean actors sa social media. Or kung meron man sila, meron silang administrator.

vuukle comment

GOBLIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with