^

Pang Movies

Mga lokal indie puro kanegahan ang kuwento kaya ‘di talaga tinatao!

ISYU AT BANAT - Ed De Delon - Pang-masa

Hindi namin masasabing nalungkot, mas tama sigurong sabihing nanlumo kami sa aming nakita sa isang mall noong isang araw.

Pinipilahan ng mga tao sa ilang sinehan ang isang pelikulang Ingles na ang tema ay isang lumang kuwentong fantasy, ang Beauty and the Beast.

Ilang ulit na iyang nagawang pelikula. Nagawa pa nga iyang animated. Sumikat din ang theme song.

Samantalang sa isang sinehan, palabas ang isang pelikulang Pilipino na may kahating isa pang pelikula sa isang araw, at sa last full show, ang palabas pa rin sa nag-iisang sinehang iyon ay ang pelikulang Ingles na may klasikong kuwento.

Ano ang dahilan at pinanonood pa ng mga tao ang pelikulang iyon na paulit-ulit nang nagawang pelikula?

“Kasi maganda ang kuwento,” sabi ng isang kausap namin. Eh iyong kuwentong iyon, fantasy lang naman. Sino ba naman ang mai-in love sa isang prinsipe pero mala-halimaw naman ang hitsura?

“Kasi naiibang kuwento iyon. Eh kung wala ka na ngang mabasa sa diyaryo araw-araw kung di patayan, mga hindi pagkakasundo sa pulitika at kung anu-ano pang nakakainis na, tapos manonood ka ng sine iyon din ang kuwento, palagay mo malilibang ka ba? Magbabayad ka ba?” sabi pa ng kausap namin.

Oo nga naman, tingnan ninyo iyong mga ginawa nilang indie, may extra judicial killing, mayroong pagkagahaman sa pagmimina, mayroong tungkol sa mga tiwaling opisyal. Nakakalimutan ng mga gumagawa ng pelikula na ang panonood ng sine ay isang libangan, hindi hingahan ng problema.

Dahil sa sobrang panggagaya nila sa mga pelikilang da­yuhan, sa paniwalang iyon ang makapagbubukas ng pinto para mapasok nila ang international market, nakakalimutan nila ang mga sinehan sa Pilipinas kaya patuloy na bumabagsak ang industriya.

Daniel may hugot na ang akting

Noong isang gabi, napanood namin sa cable ang huling pelikula ni Daniel Padilla. Hindi namin napanood iyon sa sine noong ipalabas dahil siksikan, at saka tingnan ninyo, hindi pa natatagalan inilabas na rin iyon sa DVD, at ngayon nga ay nasa cable channel na.

Pero isang bagay ang sasabihin namin, sa pelikulang iyon ay magaling umarte si Daniel Padilla. Hindi pa nga siguro masasabing pang-award, pero magaling siyang umarte talaga. Ang layo doon sa mga ikinukumpara sa kanya, na nagkataong palabas din ang pelikula noon sa ibang channel. Eh iyong sinasabing “alternative choice” kay Daniel, sabaw na sabaw ang acting.

Sabaw na acting…

Word of the day, “sabaw”.  May nagtanong sa amin, ano nga raw ba ang ibig naming sabihin na “sabaw ang acting”. Ibig sabihin sabaw lang, walang laman. Gets mo?

Kaya basta sinabi sa iyong sabaw lang ang ginagawa mo, ibig sabihin pagbutihin mo naman. Lagyan mo naman ng laman. Hindi puwede iyong puro pa-cute lang. Hindi rin puwede iyong puro emote lang. Kailangan may laman ang acting mo. Maliwanag ba?

TINATAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with