^

Pang Movies

After 64 years, Miss France kinoronahang Miss U! Pia at Steve Harvey aminadong mas sumikat dahil sa isa’t isa!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
After 64 years, Miss France kinoronahang Miss U! Pia at Steve Harvey aminadong mas sumikat dahil sa isaât isa!
Steve Harvey at Pia Wurtzbach

Bumawi sa kapalpakan niya last year si Steve Harvey sa paghu-host niya sa bansa ng Miss Universe 2016.  Nakakaaliw ang performance niya mula simula hanggang pagtatapos at wala siyang pagkakamali sa binasang winner, huh!

Nakakuha nga ng continuing joke si Harvey. Ginamit ng organizer ng Miss U ang pagkakamali niya bago sabihin ang name niya bilang host! Maging siya ay halatang hindi alam ang gagawing intro.

Nang muli silang magkita sa stage ni Pia Wurtzbach, ayon sa dating Miss U 2015, “Thank you, Steve, for making me the most popular Miss Universe!”

Tugon naman ni Harvey, “Thank you, Pia, for making me the most popular host!”

Inakala nga ni Harvey na history repeats itself na naman. Sa Top 13 announcement niya, magkasunod na tinawag ang Miss Colombia at Miss Phi­lippines, huh! Nag-alala na baka maulit na naman ang nangyari nu’ng 2015!

Of course, walang history repeats itself. Hanggang Top 6 ang inabot ni Maxine Medina habang si Miss Colombia ay nasama sa Final 3. 

Apparently, hindi aprubado sa kanya (Miss Colombia) ang pagiging second runner up dahil sa hindi magandang reaksyon niya.

Sa naglabang Miss Haiti at Miss France, unexpected kay Iris Mittenaere (France) ang panalo niya dahil naging crowd favorite si Haiti. Si Miss France ang 2016 Miss Universe na nasungkit ng bansa after 64 years, huh!

Sa interview kay Harvey, nagpasalamat siya sa hospitality ng mga Pinoy at umani siya ng palakpakan nang sabihin niyang greatest audience ang nasa loob ng SM Mall of Asia Arena bago magtapos ang Miss Universe Coronation night.

Sa interview kay Miss France after manalo, inihayag niyang masaya na siya nang mag-land sa Top 13, Top 9, Top 6 at Final 3. Mas kumabog daw ang dibdib niya nang mag-land siya sa Final 3. Matalo man daw kasi siya, meron na siyang puwesto.

Dinepensahan din ni Iris ang kanyang translator.

Ayon sa French na nasa bansa, mas tama raw ang naging sagot ni Iris at hindi malinaw ang translator. Pero sinabi niyang nasabi naman ng translator ang nais niyang iparating.

Ayon naman sa isang beauty expert, sinamantala na raw sana ni Maxine Medina ang magkaroon ng translator. History sa ating panlaban kung Tagalog ang naging sagot niya. Maiparirinig din daw niya sa buong mundo ang ating official language.

May nag-translate ng tanong para kay Maxine. Pero English pa rin ang na­ging sagot niya. Hanggang Top 6 lang tuloy siya.

Ang bongga lang kung nakarating sina Miss Kenya at Miss Tahiti sa Final 3 at nakalaban nila si Miss France. Pero ang isang kinatawan ng malaki at powerful na bansa ang nanalo ngayong 2016 Miss Universe at  first runner up lang si Miss Haiti mula sa isang third world country rin.

Kinabog din ni Miss France ang favorites na Miss USA, Miss China at Miss Canada, huh!

 

MISS FRANCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with