^

Pang Movies

Lyca hindi pa nagagalaw ang napanalunan sa The Voice

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Don’t look now, Salve A., but according to Lyca Gairanod, ang unang grand winner ng The Voice Kids, hanggang ngayon ay intact pa sa bangko ang perang napanalunan niya.

Lyca, alam nating lahat went home with a cool P1-M, plus a house and lot at franchise sa isa o dalawang negosyo.

Ang father daw niya ang nag-decide na huwag galawin ang pera. By that time raw kasi, nagkasunud-sunod na ang kanyang singing engagements.

At ilan sa mga ito ay sa abroad. Kaya, natural na iba ang bayad.

Nakapagpatayo na rin ng maliit na negosyo ang kanyang ama.

Sa premyong bahay na kanyang nakuha sila ngayong nakatira ng kanyang pamilya. Fully furnished ito. At higit sa lahat, lahat sila ng kanyang mga kapatid ay nag-aaral sa magandang school.

Lyca, who is now 12 years old, is in grade IV, sa Eton International School.

Pinakabagong accomplishment niya, ayon kay Lyca, ay ang pamasama sa cast ng pelikulang Tatlong Bibe, unang production ng Regis Films and Entertainment at idinirek ni Joven Tan.

Tatlo silang featured na bata sa Tatlong Bibe, ang dalawa pa ay sina Raikko Mateo at Marco Masa.

Nasa cast din ng said movie sina Eddie Garcia, Rita Avila, Sharlene San Pedro, Victor Neri, Anita Linda at Dionisia Pacquiao.

May premiere night ang Tatlong Bibe sa Feburary 13 sa Cinema 9 SM Megamall. Showing ito in theaters nationwide on March 1.

Enzo papasukin na rin ang pagre-restaurant

Eventually, pangarap pala ni Enzo Pineda ang magkaroon ng sa­riling negosyo. Isang restaurant ang balak niyang puhunanan.

Ito na raw ang last year ni Enzo bilang entrepreneurial student, at balak din niya na kumuha ng course in culinary arts eventually. Mahilig din daw kasi siya sa pagluluto.

E, paano ang kanyang pag-aartista pag nagkataon?

“Sa ngayon, showbiz is still my priority. After all, I’ve ne­ver been so lucky. So Busy,” sagot ni Enzo.

Currently showing in theaters nationwide ang kanyang unang movie with Star Cinema, ang Extra Service, co-starring him with Arci Muñoz, Jessy Mendiola, Coleen Garcia, Ejay Falcon at Vin Abrenica.

Two weeks pa bago mag-end ang kanyang series na ‘Til I Met You, co-starring him with the tandem nina James Ried at Nadine Lustre plus, JC Santos.

Pero, binangggit na raw sa kanya ng talent manager niya na si Arnold Vegafria na may nakalaan na bagong series para sa kanya.

No wonder, tuwang-tuwa kay Enzo ang kanyang ama na si Partylist Congressman Eric Pineda, na siya ring business manager ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Ganunpaman, nanaliting hiling kay Enzo ng kanyang ama ay ang tapusin niya ang kanyang pag-aaral.

Dalawa lang silang magkapatid, na parehong lalaki. Ten years ang gap nila. Maganda na ang posisyon ng kanyang Kuya sa pinagtatrabahuhan nito.

Ang mother naman niya ay nagtatrabaho sa isang PR firm.

Julia at Ronnie binabantayan!

Marami ang tumututok ngayon sa bagong tele­ seryeng A Love  To Last, which is a production of Star Creative, headed by Malou Santos, other­wise, too, managing director ng Star Cinema.

Sa casting pa lang, kung sa bagay ay gugustuhin mo nang aba­ngan ito gabi-gabi.

Muling magkakasama sa seryeng ito sina Julia Barretto at Ronnie Alonte, na huling napanood sa Vince & Kath & James.

I don’t know if you have noticed. But two former beauty queens are featured in A Love To Last, sina Melanie Marquez, tinanghal na Miss Internatio­nal, at Pilar Pilapil, runner-up ng Miss Universe.

SALVE A

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with