^

Pang Movies

Pambato ng Thailand nagpa-impress, nagsuot ng barong at panay ang po at opo

SUPALPAL! - Lolit Solis - Pang-masa

Kabogera ang contestant ng Thailand sa 65th Miss Universe na dumating sa Pilipinas noong Martes nang gabi.

Chalita Suansane ang name ni Miss Thailand at Barong Tagalog na nilagyan ng black belt ang suot niya nang dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport.

Mabilis na nakuha ni Chalita ang atensyon ng mga Pinoy sa airport dahil sa importansya na ibinigay niya sa Barong Tagalog.

Effective ang ginawa ni Chalita dahil instant love siya ng mga Pinoy.

Hindi natapos sa pagsusuot ng blouse na Barong Tagalog ang eksena ni Chalita dahil nag-aral siya ng ilang Tagalog words tulad ng “Mabuhay”. Gumagamit din siya ng po at opo na tanda ng paggalang.

Halatang nag-research nang husto si Chalita tungkol sa kaugalian at tradisyon ng mga Pilipino.

It’s either may mga kaibigan siya na Pilipino na nagturo sa kanya o ginagaya niya ang kanyang kababayan, ang Thai actor na si Mario Maurer na sikat sa Pilipinas at love ng mga Pinoy dahil may karugtong na po at opo ang pagsasalita niya sa tuwing dumadalaw siya sa bansa natin.

Isang grupo nagpapapansin

Ilang buwan nang balita ang pagdaraos ng Miss Universe sa bansa natin pero ngayon lang umaalma at nagpoprotesta ang isang cause-oriented group.

Huli na ang pag-iingay ng grupo dahil wala nang dahilan para hindi matuloy ang Miss Universe pageant sa Pilipinas.

Kung noon pa nila kinontra ang plano, hindi sila mapagbibintangan na nagpapapansin o nakikisawsaw sa isyu.

I’m sure, kasama ang mga miyembro nila sa nag-rejoice nang manalo si Pia Wurtzbach na Miss Universe noong 2015 kaya marami ang nabababawan, hindi sineseryoso ang pag-iingay at hindi binabanggit ang name ng kanilang grupo.

Planong Underwater Resort ng nickelodeon sa Palawan inalmahan!

Bayolente ang reaksyon ng mga Pilipino sa balita na magkakaroon ang Nickelodeon ng underwater resort and theme park sa Coron, Palawan.

Love ng mga Pinoy si Spongebob pero hindi sila makakapayag na malapastangan ang Palawan dahil sa pinaplano na underwater resort at theme park.

Ang eklay na pralala ni Ron Johnson, napili nila ang Palawan dahil matatagpuan dito ang pinakamagagandang beach sa buong mundo. Si Johnson ang executive vice president ng Viacom International Media Networks, ang may-ari ng Nickelodeon.

Ang akala yata ni Johnson, mabobola niya ang mga Pinoy na umalma dahil ayaw nila na maging komersyal ang lugar, kahit nagbigay ng assurance ang Viacom na hindi makakaapekto sa kalikasan ang binabalak na theme park.

Seryoso ang mga Pinoy na kontrahin ang pagtatayo ng Nickelodeon theme park and resort kaya nahaharap sa malaking problema ang Viacom.

Mismong si DENR Secretary Gina Lopez ang nagsabi na hindi niya papayagan na matuloy ang construction ng theme park sa Palawan.

Robin at Mariel nagkita na uli

Luma na ang balita na hindi binigyan si Robin Padilla ng US Visa ng US Embassy para madalaw niya sa Amerika ang kanyang misis na si Mariel at ang kanilang  two month–old daughter.

Hindi na kailangan ni Robin ng US Visa dahil naririto na sa Pilipinas si Mariel at ang anak nila. Nakunan ng video ang airport arrival ng mag-ina at ang pagsalubong ni Robin sa kanila.

vuukle comment

MISS THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with