^

Pang Movies

Kobe, gustong makasama ang mga totoong magulang sa Pasko

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kobe, gustong makasama ang mga totoong magulang sa Pasko
Kobe

Gusto sanang makasama ni Kobe Paras ang kanyang parents na sina Benjie Paras at Jackie Forster ngayong darating na Kapaskuhan pero dahil alam niyang may kanya-kanya nang buhay ang mga ito ay naiintindihan niya kung hindi man ito matupad.

“I just hope na makasama ko parents ko. I know they’re busy, my mom’s in Europe, my dad’s busy with his side of his family. So hopefully, makasama ko sila,” sey ni Kobe sa panayam ng 24 Oras.

Kaya kung hindi raw matutupad ang wish niyang ito, ang girlfriend na lang na si Kyline Alcantara at pamilya nito ang kanyang kasama.

“If not, I’ll be with Kyline and her family,” aniya.

Wish din daw niya na ipagluto siya ni Kyline.

“Sana kahit anong lutuin ni Ky, makain ko,” sey pa ng basketbolista.

Natawa naman si Kyline na kasama rin ni Kobe sa panayam.

“Hindi nga ako marunong magluto,” sey ng aktres.

“Pero gusto kitang magluto,” sabi naman ni Kobe.

Nag-isip naman si Kyline ng lulutuin at sambit niya, “bopis po! I’m a bopis lover.”

Sekyu na pinagbintangang nanilip kay Marian, nagpaliwanag

Nagpaliwanag na ang security guard tungkol sa nag-viral na video niya kay Marian Rivera kung saan nga ay na-bash siya nang todo-todo ng netizens.

Sa kumalat na video kasi ay makikitang lumapit nang husto ang security guard sa may dibdid ni Marian at makikita rin hindi komportable ang aktres sa sitwasyon.

Maririnig pa sa video na nagsalita si Marian ng “kuya, kanina ka pa ha?”

Sa kanyang Facebook account ay lumantad na ang naturang security guard na nangangalang Earl Nerona-Pressman at ipinaliwanag na pinoprotektahan nga niya si Marian.

“Sana maisip ng mga taong nakikisakay lang sa isyu ang mga nangyari. Actually hindi naman na issue Ito tlagang kumalat lang ang video dahil sa taong one sided ang utak. Kung malawak lang sana ang pagkakakuha ng video ay makikita ninyo ang totoong sitwasyon,” simula ni Earl.

Aniya pa ay siksikan daw ang tao at lahat ay gustong makalapit kay Marian. Kung wala raw siya sa kanyang pwesto ay baka mas nabastos ang aktres at hindi niya napigilan ang mga taong gustong lumapit.

Bumulong daw ang kasamahan niya sa kanya kaya nilapit niya ang kanyang tenga dahil napakahirap daw talagang makagalaw sa dami ng tao.

“May isang crowd na nagpupumilit na makalapit kay Marian at nakikipagtalo sa amin kung makikita ninyo sa video na sinabihan na “Kuya kanina ka pa”.

“I swear hindi ako iyon, sinundan niya ng tingin iyon at nagkataon na sa akin ng tingin dahil nga kami ng mga kasamahan ko ang nagsesecure ng kanyang safety,” paliwanag ng security guard.

Nag-post din ito ng larawan nila ni Marian bilang pagpapatunay na hindi nagalit sa kanya ang aktres.

“Ito ang litrato na nagpapatunay na ayos kami ni Marian. Kuha ito sa holding area kung saan namin sila pinagpahinga after ng kaganapan na kung saan nakunan ang video. Nag-usap pa nga kami saglit about sa crowd control at walang isyu na nangyari.

“Pinalaki lang ng mga taong walang ibang hangarin kundi manira ng kapwa tao at pagkakakitaan ang paninira sa ibang tao,” sey ni Earl.

Pakiusap niya sa netizens na huwag maging one-sided at itigil na ang pagpapakalat ng video na nakakasira ng kanyang pagkatao.

KOBE PARAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with