Paolo hindi akalaing tatalbugan sina Vic at Vice Ganda
MANILA, Philippines - Mabuti at ibang tema naman ang istorya ng pelikulang inilahok sa Tokyo International Film Festival, ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros. Ayun nga at nanalo siyang Best Actor sa pagganap bilang isang trans woman. Karaniwan kasing puro nagdarahop na lugar sa mga iskwater ang ipinakikita ng Pinoy indie film producers and directors. Akala tuloy ng mga nakakapanood sa ibang bansa ay puro kahirapan ang buhay dito sa Pilipinas.
Masaya si Paolo sa kanyang tagumpay. Hindi rin niya akalaing magbubunga ang kanyang pananalo ng award at masasali pa sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Natalbugan pa niya si Bossing Vic Sotto pati na rin si Vice Ganda na halos every year ay kumikita nang malaki sa filmfest.
Julia biglang ‘nawala’ matapos layasan ang Star Magic
Nagtatanong ang fans ni Julia Montes. Ano na raw kaya ang nangyari sa idol nila? May project na raw bang nakahanda ang Cornerstone na bagong bahay ng young actress? Mukha kasing hindi naririnig ang name ni Julia magmula noong layasan niya ang Star Magic. Mabuti na lang at nariyan si Coco Martin na nagmamahal sa kanya.
Imelda Papin mahilig tumulong, dapat bigyan ng posisyon sa DSWD
Humahanga naman kami sa Jukebox Queen na si Imelda Papin sa ginawa nitong pagtulong sa kapatid sa showbiz na si Virgie Balatico. Sinagot niya ang mga nagastos ni Virgie sa ospital hanggang makauwi ito ng bahay. Parang hindi makapaniwalang may mga artista pa palang katulad ni Imelda na may mabuting kalooban at marunong tumanaw ng utang na loob. Tinulungan din niya si Jun Quintana na dating manager niya noon at si Vir Mateo. Dapat bigyan ng posisyon si Imelda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
‘Di ba Manay Ethel Ramos?
- Latest