^

Pang Movies

Kargada ng aktor sa bagong sex video, naghuhumiyaw!

ISYU AT BANAT - Jun Nardo - Pang-masa

Ibinuyangyang na raw nang todo ng isang aktor ang kargada niya sa bago niyang sex scandal. Sa unang lumabas kasi sex scandal niya, medyo malayo ang kuha sa jun-jun niya.

Pero sa latest video ng aktor, wala na siyang pakialam na pinakita ang haba ng kargada niya, huh! Balita kasing well-endowed ang pagkalalaki ng aktor. Sa bagong video, hindi na pagdududahan pa ang sukat nito dahil in full splendor ang pagpapakita niya ito, huh!

Eh kahit na nga may tsismis na verde ang dugo ng aktor, walang keber ang mga beki basta happy sila sa pinakita ng aktor sa latest scandal, huh!

Direk Jun ayaw magpaka-artist sa bagong pelikula

Walang pretensyon si Direk Jun Lana na magpaka-art film sa latest project niyang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?!

Ang tanging layunin lang niya ay makapabigay-saya sa manonood na naihatid naman niya sa bagong obra.

Sumakto kasi ang mga artista sa kani-kanilang role. Bagay na bagay ang kikay at babaeng bakla na role ni Anne Curtis. Bilang kloseta na lumarga na rin sa bandang huli, naitawid ni Paolo Ballesteros ang role niya. Natural na natural na rin ang pagpapatawa niya. Nahasa na nga siyang talaga dahil sa Juan For All All For Juan ng Eat Bulaga.

Pantanggal stress ang latest Viva movie. Nakakawala ng pagod. No wonder, pinapasok ito ng manonood dahil sa masayang tema ng pelikula at magagaling na artista.

Andre hindi na nag-audition sa Encantadia

Hindi na kailangang sumailalim pa sa audition si Andre Paras upang ibigay sa kanya ang role na Wahid sa Encantadia na unang ginampanan ng ama niyang si Benjie Paras. Nang sabihin nga ng aktor sa ama na meron siyang taping, inakala ni Benjie na para sa kanya ‘yung taping, kaya nagsabi siyang hindi siya puwede dahil nasa States pa siya.

“Kamukha ko kasi si daddy. May buhok lang siya. ‘Yung tip lang niya sa akin is be yourself. Nang sabihin ko ‘yung role na kengkoy sabi niya, ‘Kaya mo na ‘yan!’

“When it comes to comedy naman, my dad said na trust yourself na namana mo sa akin. Hindi naman kasi panay kabastusan o kalokohan. Timing ang kailangan.

“My dad was happy. Sabi niya, ‘Di ba napanood mo na ito dati’ Noong taping nila sa Cainta, I always visit dad. Then knowing ako naman, it’s thrilling na nu’ng bata pa ako, I was around these people. So alam ko na ‘yung feel. Hindi nawala ‘yung feeling,” pahayag ni Andre na bukod sa Encantadia, mapapanood din sa weekly interactive series na Perfect Fit sa Usapang Real Love.

Ang baguhang si Mikee Quintos ang makakapareha ni Andre sa episode. Eh dahil may mga common friend sila, nandoon na ‘yung samahan nila kaya hindi na nila kailangan maglambingan para magkaroon sila ng chemistry.

After Barbie Forteza na petite, petite rin si Mikee na ipinalit ni Andre, huh!

“Nandoon pa rin naman kasi sa Sunday Pinasaya. Kami naman, we’re both open exploring new possibilities as artists. Walang halong showbiz. Ang important is pag-entertain ng tao.

“Ako whatever na network gives. Ang main purpose ko is to entertain and at the same time, to give justice sa role. It’s work eh. It’s a commitment. So I commit to entertainment no matter who I am with,” paliwanag ni Andre.

SEX SCANDAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with