^

Pang Movies

Sylvia 27 years naghintay para magbida!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Guess, Salve A., kung sinong nag-inspire kay Sylvia Sanchez para maging artista?

Well, si Sharon Cuneta, pagkatapos niya itong mapanood sa Min­danao kung saan siya lumaki, sa pelikula nitong Sana Wala Nang Wakas with Cherie Gil.

Ganunpaman, bagama’t naging instant fan siya ni Sharon, hanggang ngayon, hindi ang footsteps nito bilang bida sa Sana Wala Nang Wakas ang binalak niyang sundan kung hindi si Cherie.

“Aliw na aliw at hangang-hanga ako kay Cherie nang sinampal niya ng malakas si Sharon, sabay pakawala niya ng dialogue na ‘you are just a second rate copycat’.”

But funny, patuloy ni Sylvia, nang finally natupad na ang pangarap niyang humarap sa movie cameras, isinalang siya ng Regal Films bilang sexy star. At aminado si Sylvia na ito ang naging tuntungan niya.

Twenty seven years later, heto at bida na siya sa series na The Greatest Love, na mapapanood na sa Monday, Sept. 5, sa ABS-CBN.

Makakasama niya rito sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Matt Evans at Andi Eigenmann. Gaganap naman na apo niya si Joshua Garcia.

Gaganap si Sylvia bilang ina na 59 years old at may sakit na Alzheimer’s na aniya, ay dream role niya.

By the way, guess who ang kakanta ng theme thong ng The Greatest Love?

Wala raw iba kundi si Sharon, ngiti pa ni Sylvia.

Sharon gagawa muna ng indie!

Si Sharon naman ay may upcoming concert sa October.

Lahat daw ng The Voice Kids Season 3 participants na siya ang coach ay guest sa nasabing concert.

This way nga naman, mararanasan na ng mga bata ang mag-perform sa mas malaking venue at mas maraming audience.

Pagkatapos ng concert ay saka paplanuhin ni Sharon ang pagkakaroon ng movie o TV series.

As it is, plano muna yata niya to do an indie film.

Aljur nagpaka-aktor sa Hermano

Finally, napanood na namin, Salve A., ang pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli, na pinagbibidahan ni Aljur Abrenica.

Featured with Aljur in the movie, which Gil Portes directed mula sa screenplay ni Eric Ramos, ang dalawang kapatid niyang sina Vin at Allen.

Moving from the start to the end ang pelikula, na tungkol sa devotion ng isang lalaki sa Panginoon at ang kanyang effort na maging religious gaya niya ang community na kinabibilangan niya sa Tayabas, Quezon.

Yes, the film, Salve A., is based on a true story na naganap noong 18th century.

Inaasahang, after Hermano Puli, mapapabilang na si Aljur sa listahan ng mga actors na itinuturing na actors in the true sense of the word.

Naging leading man siya ni Janine Gutierrez in the recently concluded primetime series, Once Again sa GMA 7.

He is currently busy preparing for his upcoming concert, Oh Boy, with Jake Vargas, Rocco Nacino and Derrick Monasterio at the Music Museum, September 24.

Julie Anne San Jose will be the special guest.

vuukle comment

POLICE COLONEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with