^

Pang Movies

Aljur nabawasan na ang pagiging hamonado!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – In fairness, natural na natural ang akting ni Aljur Abrenica sa Once Again na napapanood gabi-gabi sa GMA 7 after Poor Señorita.

Kung noon ay laging napipintasan si Aljur na tinatawag pang isang hamonadong actor, ngayon sa Once Again ay ipinakita niya na malaki ang improvement niya pagdating sa akting. May chemistry ang tambalan nila ni Janine Gutierrez na iniwan sa GMA ng boyfriend na si Elmo Magalona. Pero sila pa rin at may constant communication daw sila.

Kung noon ay nagkaproblema si Aljur sa kanyang home network ay iba na ngayon ang senaryo. Madalas silang mag-bonding ng mga nag-aalaga sa kanya sa GMA Artist Center. Sa Biyernes ay isa siya sa makikigulo sa Bubble Gang.

Rufa Mae walang tampo kahit wala na sa BG

Speaking of Bubble Gang, marami ang nagtatanong kung bakit nawala na ang ilan sa original cast gaya ni Rufa Mae Quinto. Siyempre lumilipas ang panahon at nagkakaedad na sila. Wala namang sama ng loob sa pagkawala nila at naiintindihan ang sitwasyon. Hindi naman habang panahon ay magpapa-sexy na lang sila. Kaya kinuha ang mga bago na nakakontrata sa GMA na puwedeng isabak sa mga kalokohan sa Bubble Gang tuwing Biyernes. Kaya naman tuloy ang mataas na ratings ng longest running gag show.

Gabbi gusto ng classy na debut

Ngayong taon ay mag-i-eighteen na ang GMA Artist Center star na si Gabbi Garcia kaya naman naghahanda na siya sa isa sa pinakamasayang milestones sa kanyang buhay. Chika pa ng aktres, nakipag-meeting na siya sa ilang tao na tutulong sa kanya para sa nasabing selebrasyon. “I’m preparing for my debut by having meetings with my managers from GMA. My actual birthday is on December 2, a Friday. We moved the debut to December 3 para mas maraming makarating. I want everyone to be in gowns and suits. I want it to be classy.”

Julie Anne Itinuturing na a night to remember ang concert

Naging matagumpay ang 10th anniversary concert ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose noong Sabado sa Kia Theater. Kasama niyang nag-perform ang ilan sa mga taong naging bahagi ng kanyang showbiz journey gaya ng Sugarpop, Tom Rodriguez, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Taos-puso naman ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. “What a blast. Thank you so much! It’s definitely a night to remember. I love you all.”

Heart at Sen. Chiz nakapag-relax kahit maikli lang

Dahil tapos na ang stress ng eleksyon ay nakapagpahinga at nakapag-enjoy ang Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista sa Balesin. Aniya, naging masaya at relaxing ang pagbabakasyon nila ng asawa niyang si Sen. Chiz Escudero sa magandang isla. “It was a much needed vacation. It was pretty short but it got me very excited about our honeymoon which will happen hopefully after my soap ends. Our trip was really fun and we were able to recuperate,” paglalahad ni Heart.

Napanood namin ang pilot ng Juan Happy Love Story at bonggang-bongga ito at mukhang tagumpay na naman ang tambalang ito nina Heart at Dennis Trillo.            

vuukle comment

69TH CANNES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with