Isyu ng hiwalayan nina Luis at Angel, tapusin na!
Nag-deny na si Angel Locsin, at sinabing hindi pa naman sila split ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano, pero inamin niyang mayroon nga silang hindi napagkakasunduan.
Dapat tanggapin na natin ang statement na iyan, after all, sino nga ba ang nakakaalam ng totoong sitwasyon kung hindi silang dalawa lang? Lahat ng sinasabi ng “reliable sources” daw ay puro speculations lang naman. Iyon ang palagay nila base sa kanilang nakikita. Ngayon mismong si Angel na ang gumawa ng denial.
Maski nga si Governor Vilma Santos ay nagsabi, “kung problema man, kailangang ayusin iyon”. May panahon pa naman na nagpaparinig na nga siyang gusto niyang maging lola na. Gusto na niyang magkaroon ng mga apo. Ibig sabihin, umaasa rin siya sa relasyon ng kanyang anak.
Si Luis, tahimik lang. Natural naman, hindi maganda sa isang lalaki ang magsalita pa.
Kung minsan iyang mga ganyang sitwasyon, iyang mga nangyayaring split, mas napapadali pa dahil sa mga tsismis. May lalabas kasing tsismis, tapos may magbibigay agad ng reaksiyon. Kung minsan hindi pa naman talaga split pero natutuluyan na dahil sa kung anu-anong usapan.
Kaya mabuti na nga iyang ginawa ni Angel, tinuldukan na niya ang mga tsismis.
Hindi rin sana kami magkukuwento tungkol sa mga bagay na iyan, in the first place hindi naman natin alam ang totoo, at sila man ay nagbabase lang din sa mga bagay na nakita nila sa telebisyon. Pero sino nga ba ang nakakaalam ng pinagdaraanan ng mga tao?
Nagsisimula na ang mga tsismis. Kesyo may na-discover si Angel tungkol kay Luis. Kesyo may nakita naman si Luis sa ugali ni Angel. Kung hindi mapipigil iyang mga ganyang tsismis, lalong lalaki ang problema na sa palagay namin, napakaliit lang naman.
Sa rami ng mga sikat na bisita kasal ng TV reporters na sina MJ at Oscar Oida, mas bongga
Napansin lang namin, mukhang “better covered” ang kasal ng mga TV journalists na sina Oscar Oida ng GMA 7 at MJ Marfori ng TV5. Sa mga naglabasang pictures, mas maraming mga personalities ang naroroon mula sa broadcast industry at maging sa entertainment press.
Naroroon din ang dating unang ginang Imelda Romualdez Marcos, si Senador Bongbong Marcos at maging ang TV5 chairman na si Manny Pangilinan.
Mukhang mas malaki ang kanilang naging okasyon kaysa sa iba.
Pelikula nina Dennis at Solenn nasa timing!
Hindi namin napasyalan noong isang gabi ang isang event diyan sa UP, kung saan inilabas sa isang outdoor theater ang pelikula nina Dennis Trillo at Solenn Heussaff, iyong Lakbay2Love. Nagkaroon sila ng isang cycling event, tapos nagkaroon ng maikling concert bago ang showing ng pelikula.
Iyan kasing pelikulang iyan ay tungkol sa climate change, na talaga namang napapanahon na.
Isipin ninyo, naglabas na ng warning na posibleng lumubog na ang ilang bahagi ng Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng dagat dahil sa pagkatunaw ng yelo sa north pole at sa Antarctica. Maaapektuhan daw ang mga malalapit sa tulyahan river at iba pang mabababang lugar.
Totoong problema na iyan, at maganda naman ang mga ganyang problema ay natatalakay din sa mga pelikula. Love story iyan, kagaya ng karaniwan, pero may twist. Mayroon ding love of nature.
- Latest