Anne nagsulat ng libro tungkol sa mga itik
Isang children’s book author na ang Kapamilya star na si Anne Curtis.
May nabuo na nga siyang children’s book na ginawa niya para sa UNICEF (United Nations International Children’s Emergency Fund).
Sa kanyang Instagram account ay pinakita na niya ang kanyang kauna-unahang children’s book.
“It’s here! The printing proof of my very first children’s book that I wrote for UNICEF Philippines. I can’t wait for all of you to meet ANITA, The Duckling Diva.”
Ilu-launch ang children’s book na ito ni Anne sa kanyang 31st birthday on February 17. Makakasabay din ang launch ng ibang libro for UNICEF.
Inimbitahan nga ni Anne sa book launch ang kanyang 4.3 million followers sa Instagram.
Ang kuwento ng Anita, The Duckling Diva ay tungkol sa isang duckling na mahiyain pero pinilit niyang magbago dahil sa tulong ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Para sa mga batang may edad na 4 years and above ang kanyang libro. Ang proceeds ng libro ay mapupunta sa various projects ng UNICEF Philippines.
Ken Chan extended ang pagmamaganda
Isang magandang birthday gift ang natanggap ng bida ng top-rating afternoon drama series na Destiny Rose na si Ken Chan.
Na-extend kasi ng six more weeks ang pinagbibidahan niyang teleserye.
Labis ang kasayahan ng buong cast and crew ng Destiny Rose dahil matagal pa ang pagsasamahan nila.
Agad nga na nag-post si Ken sa kanyang Instagram sa magandang regalo na natanggap niya sa kanyang kaarawan.
Glaiza kasama sa pelikula sa social media unang ipalalabas
Makakasama si Glaiza de Castro sa kauna-unahang Filipino film na magpi-premiere on social media. Ito ay ang Mrs. Recto.
Nag-post nga si Glaiza ng teaser ng Mrs. Recto sa kanyang Instagram account.
Ang Mrs. Recto ay mula sa direksyon ni Dante Nico Garcia at bida rito si Regine Velasquez-Alcasid. Kasama rin sina Elmo Magalona, Jun Sabayton, Yan Yuzon at Jayson Gainza.
Nag-premiere ito noong nakaraang December 25, 2015 on Facebook, YouTube and Vimeo.
- Latest