Pagtatapos ng Ningning, tinutukan ng buong bansa
MANILA, Philippines – Libu-libong Pilipino sa buong bansa ang tumutok sa pagtatapos ng Ningning noong Biyernes para saksihan kung ano ang unang ginawa ni Ningning nang makakita na siya muli matapos ang napakaraming hamon para makahanap siya ng cornea donor.
Ipinakita sa finale episode si Ningning na naglalakad sa Isla Baybay para muling masilayan ang ganda nito at ang pag-alay niya ng pasasalamat sa namayapang kaibigan na si Peter, ang kanyang cornea donor.
Ayon sa datos ng Kantar Media, ang Ningning ang tanging weekday morning program na nakapasok sa top 10 most watched programs noong Biyernes na nasa ika-anim na pwesto at nakakuha ng national TV rating na 18.8%, sampung puntos na lamang laban sa kalabang programa na The Ryzza Mae Show (8.6%).
Mas mapagkakatiwalaan ang datos ng Kantar Media na batay sa 2,609 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas.
- Latest