^

Pang Movies

Kinikita sa MMFF dapat ding imbestigahan kung magkano at saan napupunta

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lumabas na ang mga usapan tungkol sa Metro Manila Film Festival dahil sa isinagawang imbestigasyon ng kamara tungkol doon. Pero ang palagay namin, ang lumabas sa imbestigasyon ay “scratch in the surface” lamang. Kasi mas marami pang malalalim na problema ang film festival na iyan.

Sa naging statement nila, parang pinalalabas na si Manay Ichu Maceda at si Dominic Du ang nagsa­bing huwag isali sa Best Picture Category ang Honor Thy Father. Bagama’t noong mga oras na iyon ay wala pa ang opisyal na deklarasyon ng MMDA chairman, palagay namin sinabi lang nila iyon sa jurors dahil alam nila na may ganoon na ngang desisyon mula sa ibang committee, at ang committee decision na iyon ay tatanggapin ng execom.

Sinasabi rin nila na violation of the rule iyong katotohanan ang distribution ng mga pelikula ni Atty. Joji Alonzo, ang Walang Forever at Buy Now Die Later. Sinasabi rin nila na si Du ay naging kliyente ni Alonzo bilang abugado sa isang kaso.

Siguro nga, masasabing hindi yata tama iyon. Pero alam naman ninyo ang showbusiness, napakaliit na mundo niyan at madalas sila-sila rin ang nagkakatulungan. At saka hindi na bago ang mga ganyang bintang. Noong araw napagbintangan din ng ganyan ang Regal.

Ang hinihintay naming lumabas ay kung magkano ba talaga ang kinikita niyang festival, at saan ba talaga napupunta ang kinikita ng festival. Iyan ang dapat imbestigahan ng kongreso dahil iyan ay amusement tax. Pera ng bayan. Dapat nagagamit nang tama. Dapat inaalam ng COA kung papaano nga ba nagagasta ang mga pumasok na pera.

Nataong kasabay ang pakikipagkita ni Senador Bongbong Marcos sa entertainment media. Natural napag-usapan ang film festival. Inamin ng senador na noong kanilang panahon, talagang tinutulungan ng gobyerno, lalo na ng nanay niya ang industriya ng pelikula at ng sining.

Kasi ang paniwala nga raw ng dating first lady na si Imelda Marcos, ang sining at kultura ang kaluluwa ng isang bansa.

Noong panahong iyon, ano man ang sabihin ng iba, talagang ang gobyerno ay nagbibigay ng scholarship sa mga deser­ving artist.

Pinagsasanay sila sa abroad para ma­ka­pantay ng mga international artist performer. Kaya naman noong panahong iyon, ang daming sikat na Pinoy.

Ang Metro Manila Film Festival ay nabuo dahil sa pag-uugnayan ng noon ay Mayor pa ng San Juan na si Joseph Estrada na pangulo rin ng PMPPA, ang chairman ng Board of Censors na si Guillermo de Vega, at ng dating unang ginang Imelda Marcos.

Nagpalabas ng isang letter of instruction ang da­ting pangulong Ferdinand Marcos na nagtatakda ng festival para maging showcase ng mahuhusay na pelikulang Pilipino.

Maliwanag din sa LOI na ang kikitain ng festival ay ibibigay sa Mowelfund ang kalahati, at ang kalahati ay paghahatian ng CCP at isa pang ahensiya na may kinalaman din sa sining.

Hindi kumukuha ng parte ang social fund ng noon ay Pangulong Marcos sa kinikita ng festival.

Noon ang mga producer ay gumagawa ng mahuhusay na pelikula, dahil iyon ang paraan para makapasok ka sa festival. Hindi kagaya ngayon na ang mga pelikula, puwedeng damputin ng mga truck ng Leonel at Ren. Ibig sabihin basura.

Noon ang mga mahuhusay na pelikula ang pinag-uusapan at binibigyan ng priority. Kaya nga sinasabing walang lipatan ng sine sa first two days ng festival, at kaya nga inilagay sa second day ang awards para makatulong sa mga mahuhusay na pelikula. Ngayon hindi na nga ganoon.

Tama ang sinasabi ni Senador Bongbong Marcos, kaila­ngang tulungan ang naghihingalong industriya ng pelikula at entertainment sa ating bansa na ngayon ay biktima ng napakataas na tax at piracy.

ACIRC

ANG

ANG METRO MANILA FILM FESTIVAL

BEST PICTURE CATEGORY

BOARD OF CENSORS

BUY NOW DIE LATER

DAPAT

FESTIVAL

IMELDA MARCOS

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with