^

Pang Movies

Kapuso stars, aligaga na uling ‘magsunog’ ng mga nilamon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami sa mga Kapuso stars ang napasobra ang kain noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Iyon lang kasi ang season na pinapayagan nila ang kanilang sariling mag-enjoy sa pagkain dahil sa sunud-sunod na events na dinadaluhan nila.

Kaya naman ngayong 2016, may mga tips ang mga celebrities para sa kanilang “balik-alindog” resolution.

Ito ay ang mga nakasanayan na nilang gawin kaya naman epektibo ito para sa kalusugan.

Sabi ni Gabbi Garcia, “Actually matakaw talaga ako ever since so I just try to keep in mind na kailangan kong i-maintain ‘yung katawan ko.” Para naman kay Ruru Madrid, “Ang gusto ko sa sarili ko, kahit na gaano ako karaming kumain, hindi po ako lumalaki, hindi po ako lumolobo. Kunwari ngayon ay kumain ako nang marami, kinabukasan gym po talaga ‘yon.”

Konting gym at basketball naman ang para kay Juancho Trivino, para sa kanya raw kasi ay importante ang cardio sa katawan.

“I still watch what I eat kahit na ang saya talagang magkain-kain lang. And also I still workout and run so hindi ‘yon nawawala. It’s very very hard at first but you’ll get used to it,” pagbabahagi naman ni Valeen Montenegro

At panghuli sinabi ni Christian Bautista na, “Siyempre kumain kayo, magsaya kayo, pero i-workout niyo rin afterwards. Huwag niyong sayangin ‘yung lahat ng workout na ginawa ninyo sa isang taon para mawala lang nang isang buwan. I-balance niyo lang ‘yung kakainin niyo.”

Direk Peque Gallaga nakisali sa reklamo kay Direk Cathy!

Nakahanap ng kakampi sa award-winning film director na si Peque Gallaga ang mga nagreklamo sa pagiging abusado diumano ng film and TV director na si Cathy Garcia-Molina.

Isa si Direk Peque sa nag-share ng post ni Rossellyn Domingo noong nakaraang December 31, 2015.

Sa naturang post ay humihiling ng apology si Domingo mula sa lady director dahil sa pagmumura at pagpapahiya nito ng mga talents, particular na sa boyfriend nitong si Alvin Campomanes, sa set ng Forevermore noong October 2014.

Heto ang nasabi ni Direk Peque:

“Sharing. Let the power of social media unearth these pathological bullies. And, of course, ABS-CBN didn’t lift a finger to help, or to even address the issue.”

Pitch Perfect stars na sina Anna Camp at Skylar Astin, engaged na

Engaged na ang dalawa sa stars ng Pitch Perfect na sina Anna Camp at Skylar Astin.

Noong New Years day ay nag-propose si Skylar kay Anna noong nagbakasyon sila sa Hawaii at sinagot nga siya nito ng “Yes”.

“I asked. She said yes!!!” pag-post pa ni Skylar sa kanyang Instagram account na ang photo ay pinapakita ni Anna ang kumikislap na engagement ring.

“We’re really best friends, so it’s awesome. He’s definitely sweet like his character is.

“The funny thing is, is that we never ever have any scenes together.

“So, yeah, it was great. We had a great time when we saw each other on set. It was awesome.

“We were friends first and just hit it off. He’s just so great, and he’s a Libra too.

“He was dating somebody, and I had been through a divorce and he was like, ‘Do you want to go on a date?’ I remember thinking, Well, he’s younger than me. He’s five years younger. He’s 26, and I’m 31. But I was like, ‘You know what? OK! Let’s do it, let’s see,” kuwento pa ni Anna.

Ang ka-partner ni Skylar sa dalawang Pitch Perfect movies ay si Anna Kendrick at si Anna Camp ay major support lang sa movie bilang dating leader ng Barden Bellas.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN CAMPOMANES

ANG

ANNA

ANNA CAMP

ANNA KENDRICK

BAGONG TAON

DIREK PEQUE

PITCH PERFECT

SKYLAR

SKYLAR ASTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with