Songbird certified gatecrasher ikinasal sa Bora, nakalibre ng kanta kay Regine
Follow-up namin ito sa nasulat namin kahapon na nasa Boracay ang family nina Ogie Alcasid at family ng former wife niyang si Michelle Eimeren-Morrow.
Nakatutuwa ang post ni Ogie sa kanyang Instagram (IG) account noong isang gabi na nasa Boracay pa rin sila ni Regine: “after walking on the beach we chanced upon a wedding reception and wifey decides to crash and sing, what a treat!”
Nasa video na kinanta ni Regine ang I Will Survive habang kinukunan siya ng pictures ng maraming taong tiyak na nabigla rin nang makitang kumakanta ang Asia’s Songbird.
Hindi siguro ito malilimutan ng mga newly-weds na kahit may nag-gate crash sa reception nila, isa namang Regine Velasquez-Alcasid iyon at libre ang kanta! Iba talaga si Regine!
Replay ng Tamang Panahon pinuno ng mga commercial ng AlDub
Nostalgic pa rin ang feeling namin habang pinapanood kahapon ang replay ng Tamang Panahon special ng Eat Bulaga kahit napanood na namin ito noong October 24, 2015 sa biggest indoor arena na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Siniguro rin ng noontime show na kahit replay ito, panonoorin pa rin ng mga televiewers dahil may ilan na ring eksenang idinagdag plus ipinakita lahat ng mga TV commercials na nagawa nina Alden Richards at Maine Mendoza sa loob ng five months na nabuo ang kanilang love team sa kalyeserye na ngayong Thursday ay nagsi-celebrate na sila ng kanilang 25th weeksary.
Nasa Japan pa rin Alden hindi makakasama sa putukan si Maine
Mamayang gabi na ang Countdown ng GMA Network na pangungunahan ni Alden Richards kasama sina Kris Bernal at Betong Sumaya na magaganap sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia.
Sasamahan din sila ng iba pang Kapuso stars. May nagtatanong kung kasama rin sa countdown si Maine Mendoza, pero wala pa ang bagong Best Supporting Actress dahil nasa Japan pa siya with her family.
Balitang bukas, January 1, pa babalik sina Maine na nakiusap daw sa parents nila na umuwi na sila para nasa Eat Bulaga na siya sa pagsi-celebrate ni Alden ng birthday nito sa January 1.
Updates ng mga kinita ng mga pelikula, hindi na in particular order
Marami pa ring nagtatanong bakit daw walang updates ang box-office returns ng walong movies na kalahok sa 41st Metro Manila Film Festival na lumabas noong first day showing?
Dati nga naman may daily updates ng kinikita ng festival pero ngayon, ang iniri-release lamang ng isang TV network ang top 4 movies at not in particular order pa raw iyon.
Sa hindi nila paglalabas ng official gross receipts lalong maraming nagdududa kung totoo ba o hindi ang iri-release nilang figures.
Nakatanggap naman kami ng dalawang advisory from a friend in Dubai: Please be advised that Beauty and the Bestie will no longer be released in cinemas in the Gulf due to censorship reasons.
Ang isa pang advisory: The movie will be available on TFC-TV instead. Please stay tuned to TFC for details.
- Latest