^

Pang Movies

Pia ‘banta’ sa AlDub!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mga newsmaker ng 2015 sina Alden Ri­chards, Maine Mendoza, Pia Wurtzbach, Senator Grace Poe, Marian Rivera, at ang Eat Bulaga.

Hindi puwedeng itanggi na gumawa ng ingay ngayong 2015 ang loveteam nina Alden at Maine dahil pinag-usapan ang phenomenal success ng kalye­serye ng Eat Bulaga.

Solong-solo na sana ng AlDub ang spotlight pero humabol si Pia, ang newly-crowned Miss Universe. Tulad ng AlDub, pinagpistahan din sa buong daigdig ang kontrobersyal na panalo ni Pia sa beauty pageant na pinaka-pres­tigious sa lahat ng mga beauty contest.

Final episode ng ‘teleserye’ ni Sen. Grace sa eleksyon pa malalaman

Newsmaker si Marian Rivera dahil sa pagsisilang niya kay Baby Letizia noong November 24.

Kumpleto na ang pagiging babae at may-bahay ni Marian dahil nagbunga ng isang cute baby girl ang pagmamahalan nila ni Dingdong Dantes.

Newsmaker din si Senator Grace Poe dahil sa kanyang mala-teleserye na life story.

Sinusubaybayan ang kuwento ng presidential candidacy ni Mama Grace na sagana sa mga twist.

Hangga’t hindi nangyayari ang May 2016 elections, hindi natin malalaman ang magiging finale episode ng makulay at punumpuno ng kontrobersya na presidential bid ng anak nina Susan Roces at Fernando Poe, Jr.

Kung puwede lang, ang matuloy ang kandidatura ni Mama Grace ang type ko na Christmas gift sa kanya dahil stressful ang mga pinag­daraanan niya.

Alfred hindi akalaing magiging Miss U ang dating kaklase

Magkakilala nang perso­nal sina Alfred Vargas at Pia Wurtz­bach dahil sila ang madalas na mag­ka­sama sa mga acting work­shop ng ABS-CBN.
Ba­gets pa noon si Pia at pro­mi­sing actor si Alfred. Pareho sila na mga contract star ng Star Magic.

Happy si Alfred sa tagumpay ni Pia sa Miss Universe. Hindi inakala ni Alfred na darating ang araw na magiging Miss Universe ang bagets na kaklase niya sa acting workshop at ginagamit ang name na Pia Romero.

Natatandaan ni Alfred na sina Pia at Pauleen Luna ang palaging magkasama noon kaya alam niya na malalim ang friendship ng dalawa.

Unopposed si Alfred sa congressional race sa District V ng Quezon City. Nagugulat ang contituents ni Alfred dahil pa­tuloy ito sa pag-iikot sa District V, kahit sure winner na siya.

Lalong minahal si Alfred ng mga residente ng District V dahil na-realize nila na sincere at hindi pakitang tao ang pagtulong niya.

Puwede raw kasi na “mag-sitting pretty” si Alfred dahil wala siyang kalaban pero gi­nagawa pa rin niya ang kanyang mga trabaho bilang house represen­tative ng District V.

vuukle comment

ACIRC

ALFRED

ALIGN

ANG

DAHIL

DISTRICT V

LEFT

MISS UNIVERSE

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with