^

Pang Movies

Romnick Sarmenta tututukan muna ang limang anak

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Time out muna. Nakakahinayang, pero kailangan daw muna ni Romnick Sarmenta na bigyan ng oras ang kanyang pamilya. 

“Lima na ang anak ko. Nagsisipaglakihan na. Ang gusto ko’y nasa tabi nila ako at inaalagaan habang lumalaki sila. May time kasi na halos ‘di kami nagkakasama-sama. Pagdating ko mula sa taping o shooting tulog na sila, o kung umalis man ako ay wala pa sila, nasa eskwela,” pagtatapat ni Nicko (palayaw ni Romnick).

Nakakatuwa ngang tingnan ang actor na karga-karga at nilalaro ang kanyang bunso nang makita namin sa World Trade kamakailan at siyempre ang kanyang love na si Harlene Bautista ang kasama.

Nainggit kina Robin at Cesar Mike Magat pinasok na rin ang pagpoprodyus

“Kung hindi ako kikilos, kailan pa?” paunang sabi ni Mike Magat. “Ayoko na, nakakapagod na rin kasing maghintay, pagkatapos ng isang project, wait ka ulit ng another project na hindi mo alam kung kailan muling darating.”

For some reasons, ayaw na rin ni Mike ang kalakaran sa showbiz na parang lagi kang isingit o baka may role na pupuwede.

So, dahil sa ganung kalakaran sa showbiz, naisip daw ni Mike na kung nagagawa raw ng iba, gaya nina Robin Padilla at Cesar Montano na makapagprodyus at makapagdirek, bakit ‘di niya kakayanin.

“Ito na ‘yun, Isang Hakbang. Kung mapapanood mo, alam mong maliit lang ang budget.  Pakiusapan ang mga artista, gaya nina Snooky Serna, Ricardo Cepeda, Shyr Valdez at Buboy Villar. Ang anak kong si Miguel Antonio ang bida at ako na rin ang direktor,” pagmamalaki ni Mike.

Sa pagtatapos ng Isang Hakbang, pinalakpakan ng mga manonood ang pelikula, tanda na pasado ang unang pagtatangka ni Mike bilang direktor.

Kahanga-hanga rin ang ipinamalas na pag-arte ng anak niyang si Miguel Antonio na kahit hindi dumaan sa anumang workshop ay maraming pinaiyak sa mga eksena nila ni Snooky.

Ang tanong, bakit kaya hindi na naman sinipot ni Snooky ang special screening sa ikalawang pagkakataon gayung nangako itong sisiputin at nag-text pa ng araw na ‘yun? Tsk...tsk...tsk.

Joke ng katotong si Vir Gonzalez, bago?!

Lumalabas ang tunay na pagkatao sikat na aktor, nangdadakma ng balls ‘pag lasing

Ano ba ito, nangdadakma raw ng balls ng kapwa lalaki ang isang young actor kapag lasing at tipsy na ito.

Super gwapo, matipuno ang newcomer na agad ding sumikat. 

Kahit galit at iritable ang kapwa young actor, inunawa pa rin ang naganap dahil baka na-out of balance lang ang nalasing na barkada at ang balls lang niya ang napuntirya.

May tsikang bading ang young actor sa pag-uumpisa ng career nito,  pero agad nga itong ipinareha sa magagandang young actresses kaya uminit at pinagkaguluhan ng fans.

Bantay sarado na ngayon si young actor kapag nagpupunta sa mga social gathering,  iniingatan na itong malasing or else baka mabuking ng tuluyan  ang lihim na pagkatao niya.

                                                             

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BUBOY VILLAR

CESAR MIKE MAGAT

ISANG HAKBANG

LEFT

MIGUEL ANTONIO

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with