^

Pang Movies

Heart handang iwan ang showbiz para sa pagpipinta

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa sobrang in-love ni Heart Eavangelista sa pagpipinta, naiisip na niya na mag-quit sa showbiz at mag-concentrate na lang siya sa kanyang mga obra.

“If I have to paint full time, I will say goodbye to acting; if I have the opportunity, that’s how much I’m in love with it now,” sabi ni Heart sa isang panayam sa launch ng kanyang beauty book na This is Me, Love Marie noong Linggo (Nov. 8).

Pangarap daw ng magandang misis ni Sen. Chiz Escudero na makapag-exhibit sa iba’t ibang lugar sa mundo. “I wish my paintings could reach different places. So far it has reached Singapore, Davao, Cebu. They’re scattered all over the country now. But I wish I could travel more because of my paintings,” sabi ni Heart. Nakwento rin ni Heart na plano niyang iwan panandalian ang showbiz sakaling siya ay magdalangtao.

“Maybe the first year yes, I want to experience living a normal life. Really normal na walang taping, walang anything and just devoting myself to the child, and I feel like she deserves that. Kung nagsusulat nga ako ng libro para sa fans ko ano pa kaya sa anak ko? So I think she deserves that time,” sabi ni Heart.

Plano raw magka-baby ni Heart at Chiz sa susunod na taon.

Kapaskuhan damang-dama na sa It’s Showtime

Nagbigay ng maagang pamasko ang It’s Showtime sa madlang people sa paglunsad ng pinakabago nitong segment na Karoling Galing noong Sabado (Nov 7). Tatlong pamilya ang nagpasiklaban at nagtagisan ng galing sa pamamasko kung saan ang Villalobo Family ang itinanghal na pinakamahusay na carolers at nagkamit ng P50,000.

Isang karaoke session naman kasama si Kitchie Nadal ang naganap sa Singing Mo To na kinanta ang kaniyang OPM hit na Wag na ‘Wag Mong Sasabihin kasama ang mga madlang taxi driver.

Hindi rin naman nagpahuli sa kantahan si Dawn Zulueta na nagbigay ng kanyang version ng Jessie J hit na Flashlight.

Kasama rin ni Dawn ang iba pang bida sa You’re My Home na sina JC De Vera, at Jessy Mendiola na pinaindak ang mga manonood sa kanilang dance number. Bumisita rin ang heartthrob na si Matteo Guidicelli na kinanta ang kanyang latest single na Ipapadama na Lang na nagpakilig sa madlang people.

Mga serye hahatulan na ng PMPC

Sa pagpapatuloy ng official list of nominees for 29th PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa Dec. 15, sa Best Daytime Drama Series ay pasok ang Ang Lihim Ni Anna­sandra (GMA 7), Flordeliza (ABS-CBN 2), Healing Hearts (GMA 7), Kailan Ba Tama ang Mali? (GMA 7), Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? (ABS-CBN 2), Oh My G! (ABS-CBN 2) at The Half Sisters (GMA 7).

For Best Drama Mini-series, the nominees are: Give Love On Christmas (ABS-CBN 2), I­lustrado (GMA 7), InstaDad (GMA 7), Sa Puso Ni Dok (GMA 7), Trenderas (TV 5), Watt­pad (TV 5) at Wansapanataym (ABS-CBN 2).

Sa Best Supporting Actress ay nominado sina Amy Austria (Pangako Sa ‘Yo/ABS-CBN 2), Carmina Villarroel (Bridges of Love/ABS-CBN 2), Eula Valdez (Ilustrado/GMA 7), Irma Adlawan (Forevermore/ABS-CBN 2), Jean Garcia (The Half Sisters /GMA 7), Sheryl Cruz (Strawberry Lane/GMA 7) at Sofia Andres (Forevermore/ABS-CBN 2).

Ang mga nominado naman sa Best Supporting Actor ay sina: Baron Geisler (Natha­niel/ ABS-CBN 2), Carlo Aquino  (Flordeliza/ABS-CBN 2), Edu Manzano (Bridges of Love/ ABS-CBN 2), JM De Guzman (Hawak Kamay/ ABS-CBN 2), Mike Tan (The Richman’s Daughter/GMA 7), Ronnie Lazaro (Pangako Sa ‘Yo/ABS-CBN 2) at Tirso Cruz III (Hawak Kamay/ABS-CBN 2).

vuukle comment

ABS

ACIRC

AMY AUSTRIA

ANG

BRIDGES OF LOVE

CBN

GMA

HALF SISTERS

HAWAK KAMAY

NBSP

PANGAKO SA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with