Kambal nina Aga at Charlene mas matangkad pa sa kanila
Back in the country na, Salve A., sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales with their twins, Atasha at Andres, from Japan.
Treat ng mag-asawa ang kanilang bakasyon sa Japan sa dalawang bata, who officially became teenagers November 5. Thirteen years old na ang dalawa.
How time flies, sabi nga ni Aga. He predicts na tatangkad ang dalawang bata. Yes, mas matangkad pa sa kanila kapwa ni Charlene.
“Pero, ang maipagmamalaki naming tungkol sa kanila ni Charl, mababait silang anak. Magagalang,” ani Aga.
Nag-aaral sina Atasha at Andres sa international schools. Kaya, parehong Inglisera, bagama’t marunong din daw managalog, ayon naman kay Charlene.
Nakatutuwa naman na ‘di pa man officially pumipirma muli ng contract sa ABS-CBN at Star Cinema si Aga Muhlach, marami na ang interested, especially among the entertainment media, mapa-TV at mapa-print, na malaman kung ano at ilang projects ang gagawin niya for the network and film firm.
Ayon kay Aga, bagama’t may napag-usapan na sila ni Malou Santos, Managing Director ng Star Cinema at head din ng Star Creatives, which produces Pangako Sa’yo and the soon-to-start series, You’re My Home, ng mga possible projects na gagawin niya, ‘di pa niya puwedeng i-divulge ang mga ito.
“Basta magaganda ang projects,” pahayag ni Aga. “Kaya, ‘di pa man nasisimulan ang kahit alin dito, nagpapasalamat na ako sa ABS-CBN at Star Cinema.
“Thank you, lalo na sa ’yo, Malou,” dagdag pa ni Aga.
Pagkakalulong uli umano ni JM sa bisyo, si Jessy pa rin ang dahilan?!
Inamin na ni Jessy Mendiola na break na sila ni JM de Guzman for the second time.
Bagama’t idineny ni JM na isa si Jessy sa cause kung bakit nalulong siya sa drugs for the first time, na naging dahilan kung bakit napasok siya sa isang rehab center, walang naniniwalang ‘di partly to blame si Jessy.
Common knowledge kasi kung gaano ka-in love si JM kay Jessy, noong first round ng kanilang supposed love affair. Tapos nga, heto at break na naman sila.
And then came the report of their reconciliation when JM came out of the rehab center and was given the chance na muling makabalik showbiz.
Umani si JM ng papuri sa performance niya sa That Thing Called Tadhana, isang indie film directed by Antoinette Jadaone and which teamed him up with Angelica Panganiban.
Then came nga the series All of Me, na lalong nagpatibay ng paniniwala ng karamihan na tuluyan na nga niyang “iniwanan” ang kanyang bisyo.
JM was also supposed to co-star with Jennylyn Mercado in the Metro Manila Filmfest (MMFF) entry Walang Forever, nang kumalat ang balitang bumalik na siya sa ‘‘bisyong’’ inakala ng lahat ay kanya nang iniwanan.
In Walang Forever, he was immediately replaced by Jericho Rosales.
In the series, All of Me, na nagte-trending pa naman, “pinatay” na ang kanyang character na si Edong, samantalang “binuhay” muli si Manuel, played by Albert Martinez.
Of Jessy, busy as a bee siya with two tv projects. And a movie.
She is with Richard Gomez and Dawn Zulueta in the soon-to-start series, You’re My Home.
Directed by Jerry Lopez Seneneng, You’re My Home also stars Tonton Gutierrez, JC de Vera, Jobelle Salvador, Assunta de Rossi and new teenage love team, Mika dela Cruz and Paul Salas.
Jessy is now a mainstay of gag show, Banana Sundae, which will air daytime na.
Nasa cast din siya ng Salvage, isang indie film.
- Latest