^

Pang Movies

Sex scandal ni Daniel nagkalat na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabait na bata naman si Daniel Padilla, pero hindi namin talaga alam kung bakit maraming gustong manira sa kanya. Wala kang makikitang motibo sa paninira nila kundi inggit. Noong nakaraang taon, may naglabas ng sinasabing picture niya na humihitit ng sigarilyo at may hawak na bote ng beer. Marami namang kabataang ganoon, pero alam mo na ang target nila ay palabasing hindi talaga wholesome si Daniel.

Noong isang araw, mas grabe. Ikinakalat ng kung sino sa Internet sites ang isang bastos na picture at sinasabing sex scandal daw iyon ni Daniel. Pero hindi mo maloloko ang mga tao eh. Biglang may nagbigay naman ng comment na hindi totoong si Daniel iyon, at alam niya kung sino iyon pati na kung saan kinuha ang picture. Ibi­nigay pa niya ang Internet link. Ibang tao nga, pero may hawig kay Daniel sa ibang anggulo.

Ang tanong, ano ba ang mapapala nila sa paninira nang ganoon? Maniniwala ba ang mga tao sa kanila na si Daniel Padilla nga iyon? Maniniwala ba ang mga tao roon sa mga tsismis na inili-link pa nila si Daniel sa isang gay TV host? Palagay namin ay wala namang maniniwala sa kanila.

Jolina masaya ang buhay may-asawa, batam-bata ang hitsura

Hindi na dapat pang magkuwento ni Jolina Magdangal para malaman ng mga tao na maligaya siya sa kanyang married life. Makikita mo naman sa hitsura niya ngayon na parang wala siyang iniisip na problema. Mukha nga siyang mas bata pa ngayon. Definitely ay mas mukha pa siyang bata sa lahat ng mga nakasabayan niyang mga artista noong araw kahit na may anak na rin siya. Iyong mga ibang kasabayan niya ay mga mukhang nanay na at ang iba mukhang madrasta na o lola na. Pero si Jolina, aakalain mong teenager pa rin.

Mukha namang happy rin sa kanyang buhay ang asawa ni Jolina na si Mark Escueta. Sinasabi niyang happy siya dahil marami pa ring gig ang kanyang banda, at mukhang mas happy siya na may asawa’t anak na siya. Ipinagmamalaki pa nga ni Mark na sanay siya sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Pele, dahil noong una medyo takot si Jolina na kargahin ang kanilang baby, kaya siya ang gumagawa ng lahat, pati na pagpapalit ng diapers. Nagbibiro pa nga si Mark, “ang hindi ko lang ginawa iyong mag-breast feed”.

Kung titingnan mo naman, mukhang happy child din si Pele. Habang nagkukuwento ang kanyang mga magulang, talagang malikot siya sa tabi nila. Marami ngang mga cute gestures si Pele na ikinukuwento ni Jolina. Ipinagmamalaki rin ng mag-asawa na malusog si Pele, hindi nagkakasakit, kasi nga “hindi siya nakakatikim ng infant formula, hanggang ngayon. Breast fed siya.

Iyon naman talaga ang dapat, pero sa sinabi nilang iyon, mukhang mawawalan sila ng chance na maging endorser din ng mga infant formula. Kung sabagay, may endorsement na sila ngayon, iyong Super Twins, iyong baby diapers ng Megasoft.

Pero sabi naman ni Jolina, ok lang kung wala man silang mai-endorse na infant formula, kasi hindi naman siya mag-eendorse ng mga produktong hindi niya talagang ginagamit. Iyan nga raw Super Twins, sinubukan muna nila nang halos two months, bago sila pumirma ng contract. Tama naman para kung anuman ang iendorso nila lalo na at baby products, sigurado sila at ginagamit talaga ni Pele.

ANG

DANIEL

DANIEL PADILLA

HINDI

JOLINA

KUNG

MGA

NAMAN

PERO

SIYA

SUPER TWINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with