KathNiel hindi affected sa kasikatan ng AlDub, tinatangkilik pa rin sa Amerika
MANILA, Philippines – Kahit iniintrigang poor second na lang sila sa phenomenal team-up nina Maine Mendoza (Yaya Dub) at Alden Richards, hindi naman nagpapaapekto ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Kahit nga may ibang fans ng AlDub (fans kaya sila o nagkukunwari lang?) na nagba-bash sa kanila sa social media at inirereklamo pa nga ni Karla Estrada na “pinutulan” daw ng ulo ang anak niya sa ibang pictures na pino-post, mukhang tahimik lang sina Daniel at Kathryn.
Sa One Kapamilya Go show nga nila sa Oracle Arena sa Oakland, California noong Linggo nang hapon ay talaga namang dinagsa.
Ilang mga kaibigan namin na nanood ng show nina Daniel at Kathryn kasama sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, Ian Veneracion, Charice, Erik Santos at iba pa, ang nagsabing sobrang puno ang Oracle Arena.
Kung ang reaksiyon daw ng fans sa show na ‘yon ang pagbabasehan, mukhang hindi naman daw affected ang kasikatan sa Amerika nina Daniel at Kathryn ng kasikatan ng AlDub.
Anyway, babalik din daw kaagad ng ‘Pinas sina Daniel at Kathryn after ng show nila sa Amerika dahil kailangan nilang mag-resume ng taping ng Pangako Sa ‘Yo.
Karla gumaspang ang ugali nang maging ‘donya’
Speaking of Karla, the mother of Daniel, ano kaya ang masasabi niya sa komento ng ibang malalapit sa kanya na marami talaga siyang dinededma na ngayong “Donya” na ang turing sa kanya ng marami dahil sa kasikatan ng kanyang anak?
Ang iba nga raw, kahit sobrang close na sa kanya, kapag tine-text siya ay dedma lang daw siya.
Komento nga ng isang dating ka-close ni Karla, mas mabait pa raw si Karla noong walang-wala siya kumpara ngayon na sinusuwerte siya sa buhay.
May isang reporter nga na dismayado sa ugali ni Karla dahil noon daw ay napakadali niyang tawagan o kaya kukumustahin para maisulat ang mga proyekto ng kanyang anak, pero ngayon daw, hindi na siya basta sumasagot ng tawag.
Dating bossing ng TV5 nakaka-relax na
Nakita ko sa may Estancia sa Capitol Commons noong isang gabi ang dating big boss ng TV5 na si Ms. Wilma Galvante.
Line-producer na ngayon para sa Kapatid network si Tita Wilma.
Isa sa shows na hawak niya ay ang Happy Truck ng Bayan na nag-resume na ng airing noong Linggo, 11:00 a.m.
Bale noong Sabado uli nag-taping sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Gelli de Belen at iba pa para sa nasabing show.
Mukhang relax na ang hitsura ni Tita Wilma ngayong hindi na buong TV5 ang pinamamahalaan niya.
- Latest