^

Pang Movies

Richard mukhang naitsapwera na Ian bagong paborito ng Kapamilya

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Masaya ang mga tagahanga ni Ian Veneracion. Tila nagiging paborito na kasi ang aktor sa ABS-CBN. Magagandang project ang napupunta sa kanya.

Well, sadya lamang naman na may karapatan si Ian bigyan ng magandang papel dahil mahusay siyang artista lalo na sa drama.

May nagtatanong, paano na raw si Richard Yap na dating paborito sa Kapamilya?

Kwento ni Ian, nagkakataon lang namang maganda ang naibigay na papel sa kanya bilang leading man ni Jodi Sta. Maria. Bagay sila at dapat mabigyan pa ng ibang project.

Noong araw si Ian na hindi pa gaanong pinapansin ay tinulungan siya ni Joey de Leon.

Unang nabigyan ng break si Ian sa pelikulang Anak ni Mang Kepweng bilang anak nina Chi­quito at Liza Lorena. Nagsimula rin ang aktor sa That’s Entertainment ni Kuya Germs.

Isa siyang magaling na painter at nakapag exhibit noon sa Makati.

Balak nga sana siyang kunin ni Direk Roi Vinzon para sa ginagawa niyang horror movie ang Maria Labo kung saan bida ang baguhang si Kate Brio, isang singer, at manager ng isang Hotel and Resort sa Bacolod. Nagkataon naman na may teleserye si Ian, kaya si Jestoni Alarcon ang ipinalit ni Roi. Sana magtuluy-tuloy ang swerte ni Ian.

Alden at Maine, iisa ang kapalaran

Parang hawig ang naging kapalaran ng showbiz ng sensational love theme na AlDub nina Alden Richard at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Pareho silang kapwa hindi nakapasa sa panglasa ng mga taga-ABS-CBN.

Nag audition si Yaya Dub pero hindi natanggap! Si Alden naman ay hindi nakalusot sa Pinoy Big Brother (PBB).

Hindi akalain ng dalawa ang tamang panahon pala nila ay sisikat sila sa GMA 7.

No regrets naman dahil kung hindi nila swerteng makuha at makapasa sa Dos, nakalusot naman sila sa GMA at doon na nga gumawa ng malaking ingay.

Parehong magaling ang dalawa, kaya’t hindi nahirapang gampanan ang kanilang papel sa Kalyeserye.

Parehong ding taga-probinsya, Sta. Maria, Bulacan si Yaya Dub, Sta. Rosa, Laguna naman si Alden.

Bukas, isang malaking pasabog ang mangyayari sa Philippine Arena para sa kanilang Tamang Panahon.

Jackielou peke ang kamalditahan

Inaamin ni Jackielou Blanco sa tunay na buhay hindi siya kasing sama ng kanyang papel sa teleseryeng My Destiny Rose bilang tita ni Ken Chan. Kapatid ni Jackie si Manilyn Reynes sa istorya, kung bakit nataypan niyang api-apihin ang mag-inang Manilyn at Ken.

Bagay kay Jackie ang kontrabida. Mataray kasi ang beauty niya tulad ng mama niyang si Pilita Corales.

Jazz iniyakan ang fans na nabaha

Noong malaman ni Jazz Ocampo, kapatid ni Dennis Trillo sa My Faithful Husband na lumubog sa baha ang Nueva Ecija noong maminsala si Bagyong Lando, naawa siya, gusto niyang mag-donate ng mga lumang damit para sa mga biktima.

Napaluha si Jazz, dahil naroroon ang mga tagahanga na dumumog sa kanya noong maimbitahang mag motorcade doon noong nakaraang fiesta. Sana raw kahit paano, may maitulong siya sa mga ito.

vuukle comment

ALDEN RICHARD

ALIGN

ANG

BAGAY

BAGYONG LANDO

HINDI

IAN

LEFT

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with