^

Pang Movies

Kapamilya stars nag-iwan ng ‘aftershock’ sa libu-libong taga-Biñan!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Pinakamalaking event at memorable para sa mga taga-Biñan, Laguna ang nakaraang weekend (1st Saturday of the month, October) matapos dumayo ang ABS-CBN. Ang It’s Showtime at ASAP 20 show ay doon ginawa sa malaki at modernong Alonte Sports Arena.  Of course, star-studded kaya, lahat ng mga artista ng mga TV shows na napapanood sa ABS-CBN, ke variety, talk shows, primetime series, talent show, musical show, basta lahat ng programa ng network ay kasama sa ginanap na Biyaheng Biñan.  

Lahat ay nag-perform, nagsayawan, kantahan, dramahan, aktingan at anik-anik, hindi lamang artista ang gumawa, kasama ang audience na kung hindi kami nagkakamali mahigit 10,000 ang audience sa pangunguna ng kanilang magandang pinuno ng lalawigan na si Biñan, Mayora Lenlen Alonte. Grabe!  

Sa rami ng tao sa loob ng arena, ang liliit na ng tingin ko.  At baka kung pinapasok pa ang libu-libong tao sa labas, sus, langgam na ang tingin ko. Aircon ang loob, pero nadaig sa rami ng tao.  Ang mga nasa labas ay sa malalaking screen na nilagay ng ABS-CBN na lang nanood.  E, sa totoo lang, ‘yung ginanap na It’s Showtime sa Araneta Coliseum, ANIMversary kick off, at may iba’t ibang pasabog ang mga hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, Ryan Bang, Teddy Corpus, Kim Atienza, Jugs Jugueta, Coleen Garcia at Eruption ay talagang pinanood.  Kasama nila ang mga nagwagi sa That’s My Tomboy, Mini Me at Funny One.  Super enggrande ang mga pakulo bilang pasasalamat ng Kapamilya network. Sa Alonte Sports Arena show ng ASAP 20, feeling ng ilang nakilala naming young ladies na magaganda naman ay hindi nila makakalimutan na nakita nila in person sina Erik Santos, Jed Madela, Ian Veneracion at Vina Morales.  Sana raw maulit muli ang ganitong klaseng event sa Biñan.  Hanggang TV screen lang daw nila nakikita ang mga artista.  Lalong sumabog ang audience dahil kina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Enrique Gil, Piolo Pascual, Enchong Dee, Rayver Cruz, Gerald Anderson, Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Anjo Damiles, Jerome Ponce, Joshua Garcia, Diego Loyzaga at Albie Casiño.  At ang lahat ng cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?, Pangako Sa ‘Yo, at All of Me.  

Happy fiesta…

Calling Ms. AiAi, October 7 po ang Feast Day ng Our Lady of the Most Holy Rosary, Patron Saint ng Golden City, Sta. Rosa, Laguna, ang Parish Priest ay si Rev. Fr. Arupo.  ‘Yung damit ni Mama Mary ikaw ang magsusuot sa kanya, sana makarating ka with Mr. Gerald.  Sana din makadalo sina Mark Herras at Alden Richards na dating parishioners, ang Magno Twins ng Star Records for sure ay darating. Happy Feast Day Our Lady of the Most Holy Rosary. Pray for us. AMEN.

ACIRC

ALBIE CASI

ALDEN RICHARDS

ALL OF ME

ALONTE SPORTS ARENA

ANG

ANG IT

ANJO DAMILES

ANNE CURTIS

ATILDE

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with