^

Pang Movies

Hindi tuloy ipinalabas male celebrity na nakikisuyo na i-feature ang food business, nagkuripot at ginutom ang mga staff ng show

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Umiral ang pagiging kuripot ng male celebrity na ito na hindi nagustuhan ng staff ng isang show.

Humingi ng pabor ang male celebrity sa naturang show na i-feature naman daw ang resto business nito na kabubukas lang.

Pumayag naman ang show na gawin ito pero hindi nila akalain na sila pa ang pagkukuriputan ng nag-request na male celebrity.

Nalokah raw ang staff ng show dahil inaasahan nila na magpapaluto ng mga specialty ng kanyang resto ang male celebrity. Pero hindi ito nagpaluto hanggang wala raw nag-o-order na mga customer.

Mas lalo silang nalokah nang hindi man lang mag-alok ng anumang inumin ang male celebrity pagkatapos nilang kunan ang resto nito.

“Napakakuripot naman pala ng taong ‘yan!” talak ng aming source.

“Biruin mo, ayaw naman maglabas ng pagkain nila. Wala naman daw kasing nag-o-order. Ibig sabihin na kailangan kami ang umorder? Tapos kami rin magbayad? Kapal naman ng mukha niya!

“Tapos wala man lang inalok na kahit anong inumin sa amin. Halos isang oras kami nandoon at chika siya nang chika, pero walang dumating na drinks man lang.

“Pinapunta niya kami doon ng alas nueve ng gabi para raw may mga customers. Eh wala namang dumarating na customers. Kaya wala siyang nilalabas na pagkain.

“Tapos may gana pa siyang sabihan kami na umorder kami ng mahal sa menu. Ano kami magbayad? Kakalokah siya!”

Kaya ang ending, hindi tinuloy ang pag-feature ng resto ni male celebrity dahil sa pagtrato niya sa staff ng show.

“Bakit pa namin ilalabas, eh wala naman kaming nakita o natikmang pagkain niya dahil sa pagiging kuripot niya. Kaya good luck na lang sa business niya!” pagtatapos na talak ng source namin.

Kahit ano raw mangyari, Gladys solid sa INC

Aktibo sa mga activities ng Iglesia Ni Cristo ang actress-TV host na si Gladys Reyes.

Kaya noong magkaroon ng matinding pagsubok ang kanilang relihiyon, isa si Gladys na mga kumapit at hindi bumitiw sa kanilang samahan dahil alam niya na maaayos din ang lahat.

Nabulabog man ang tahimik na mundo nila, pero nananatili pa rin silang nagkakaisa sa anumang pagsubok na dumating sa INC.

Ayon pa kay Gladys: “Bilang aktibong miyembro ng INC, panalangin ang pinaka­mabuti para masolusyunan ang anumang suliranin.

“Hangad namin ay mapagtagumpayan ang pagsubok na yumayanig sa aming pananampalataya.”

Mabuti na lang daw at malapit nang maipalabas ang pelikulang Felix Manalo na siyang magpa­patatag sa INC.

Diin pa ni Gladys, hindi lang ito para sa kanilang mga taga-INC kundi paghuhugutan ito ng inspirasyon ng marami.

“Ang pelikulang Felix Manalo ay hindi lang para sa mga kapatid sa INC.

“Welcome ang lahat dahil ito ay hindi lang tungkol sa pananampalataya kundi ukol din sa paninindigan, at inspirasyon.

“Sa palagay ko may pagsubok mang pinagdaanan ang INC, hindi hadlang upang panoorin ito.

“Makikita nila kung paano masusing nagsaliksik si Ka Felix Manalo hanggang sa ipalaganap ang Iglesia.”

Jim Carrey nagluluksa, hiniwalayang GF nagpakamatay

Nagluluksa ngayon ang Hollywood comedian na si Jim Carrey dahil sa pagkamatay ng kanyang 28-year old ex-girlfriend na si Cathriona White dahil sa isang suicide noong nakaraang September 28.

Sa ginawang imbestigasyon ng LAPD, drug overdose ang puwedeng maging dahilan ng pagkamatay ni White. May nakitang mga pills sa tabi ng bangkay.

Natagpuan si White ng dalawang kaibigan nito na wala ng buhay sa bahay nito.

Naglabas ng official statement si Jim Carrey sa media:

“I am shocked and deeply saddened by the passing of my sweet Cathriona. She was a truly kind and delicate Irish flower, too sensitive for this soil, to whom loving and being loved was all that sparkled. My heart goes out to her family and friends and to everyone who loved and cared about her. We have all been hit with a lightning bolt.”

Nag-iwan pa raw ng suicide note si White para kay Jim noong nakaraang September 24 pagkatapos ng kanilang breakup.

“Signing off Twitter, I hope I have been a light to my nearest and dearest,” huling tweet pa ni White.

Nagkakilala ang dalawa noong 2012 pero pagkatapos ng ilang buwan ay naghiwalay sila. Nagkabalikan naman sila nitong nakaraang May 2015 lamang pero muli silang naghiwalay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

FELIX MANALO

GLADYS

HINDI

JIM CARREY

KAYA

LANG

MGA

NAMAN

TAPOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with