^

Pang Movies

Dating matinee idol na mahilig manghuthot sa mga matrona, na-unsyame ang mga plano

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hanggang ngayon ay Matrona Killer pa rin ang dating matinee idol na ito.

Ang gimik niya sa buhay ay maghahanap siya ng madatung na matrona para kunin niyang mag-invest sa kanyang business.

In fairness, may business nga ang dating matinee idol. Pero hirap daw nitong ma-sustain ang negosyo dahil kinukulang siya sa pera dahil may kung anong lifestyle ito na pati pera ng business niya ay nagagalaw niya.

Kaya desperado itong makabiktima ng madatung na matrona para hindi lang maging business partner kundi maging sugar mommy din niya.

May tina-target na siyang isang madatung na matrona at ilang beses na niyang naka-meeting ito. Pero kilala siya ng office staff ng matrona kaya sinabihan ito na mag-ingat.

Noong una ay hindi makapaniwala si matrona na may kung anong bad reputation ang dating matinee idol. Hanggang sa may nakapag-Google dito at pinabasa sa matrona ang mga naging kontrobersya nito.

Simula noon ay parating kina-cancel na ni matrona ang mga meetings niya sa dating matinee idol. Hanggang sa tumigil na sa kaka-set up ito dahil nakahalata na siya na ayaw na siyang maka-meeting ni matrona.

Natuwa naman ang office staff dahil alam nilang gagamitin lang ni dating matinee idol ang boss nila at baka mawalan pa sila ng trabaho kapag sinaid na nito ang datung ng amo nila.

Jeric willing maghintay

Inamin ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales na isa siya sa nag-audition para sa title role na Destiny Rose.

Pero napunta ang role sa kapwa Kapuso actor niyang si Ken Chan.

Kahit na hindi makuha ni Jeric ang role, masaya ito kay Ken dahil bagay naman daw rito ang role bilang isang transwoman.

Winner si Jeric ng reality talent search ng GMA-7 na Protégé: The Battle For The Big Artista Break noong 2012. Co-winner niya si Thea Tolentino na bida sa The Half-Sisters.

“Hindi po ako naiinip. Ang importante ay hindi po tayo nawawalan ng trabaho.

“Bago itong Destiny Rose, nasa Pari ‘Koy ako at nakadalawang seasons kami.

“Kung may plano man ang GMA-7 para sa akin, willing po akong maghintay. Lahat naman dumarating sa tamang panahon,” pagtatapos pa ni Jeric Gonzales.

Matapos ma-coma: Tracy Morgan balik na sa pambabae!

First public appearance ng naaksidenteng Hollywood comedian na si Tracy Morgan ang kakaganap lamang na 67th Primetime Emmy Awards.

Nag-present nga ng award ang dating star ng Saturday Night Live at 30 Rock. Binigyan pa siya ng standing ovation ng audience sa kanyang paglabas.

“I miss you guys so much. Jimmy Kimmel said on this stage that we’ll see you back here next year Tracy Morgan. Well, thanks to my amazing doctors and the support of my family and my beautiful new wife, I’m here standing on my own two feet,” sey pa ng komedyante.

Noong nakaraang taon, napuruhan sa isang vehi­cular accident si Tracy na ikinamatay ng kanyang kaibigan. Inararo ng isang truck ang sinasakyan nilang limo bus sa may New Jersey turnpike.

Nag-suffer ng traumatic brain injury si Tracy na naglagay sa kanya sa coma for eight days hanggang ma-regain niya ang consciousness.

“I was just ecstatic to learn that I wasn’t the one who messed up.

“Only recently have I started to feel like myself again.

“Which means a whole lot of women are going to get pregnant at the after party!” biro pa niya.

Babalik sa pag-host si Tracy ng Saturday Night Live on October 17.

“I love comedy. I will never stop loving her. I love comedy and I can’t wait to get back to her, but right now, my goal is just to heal and get better.

“Because I’m not 100 percent yet. I’m not. And when I’m there, you’ll know. I’ll get back to making you laugh. I promise you.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

DESTINY ROSE

HANGGANG

JERIC

JERIC GONZALES

MATRONA

NIYA

PERO

SATURDAY NIGHT LIVE

TRACY MORGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with