^

Pang Movies

Para ‘di mapag-iwanan nina Vice at Vic, Kris kailangang makabingwit ng loveteam na isisingit sa MMFF movie

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Lumutang na ang pangalan ni Derek Ramsay bilang kapalit ni Mayor Herbert Bautista sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Kris Aquino ayon sa report ni Ricky Lo sa The Philippine STAR. Pinalitan na rin daw ang title ng movie from Mr. & Mrs. Split to Pamilya Lab, Lab, Lab!

Tinext namin si Mayor Herbert kahapon tungkol dito upang alamin ang reaksyon niya. Wala siyang sagot as of presstime. Waley ring sagot ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong sa lumabas na balita.

Ayon sa staff ng movie, October daw ang simula ng shooting ng movie dahil magpapahinga muna si Kris after ng shoot niya sa Etiquette for Mistresses. Pero nu’ng presscon ng movie, may pahaging na si Kris na may changes sa cast although kasama pa rin sila ng anak na si Bimby Yap.

Sinabi niyang nakipag-meeting siya sa ABS-CBN bosses at pinakinggan ang concerns niya na babu na siya sa Aquino & Abunda Tonight dahil bawal sa health niya ‘yung nagsu-shooting habang may two daily shows. Obviously, sinabi rin niya ‘yung concerns niya sa MMFF movie na si Mayor Herbert ang unang makakapareha.

‘Yun nga lang, kailangan kasing kausapin muna ang MMDA tungkol sa changes sa cast. Mati-technical kasi sila kapag hindi ito aprubado ng Executive Committee ng MMFF, huh! Nangyari na ‘yan noon sa Regal Entertainment sa entry nilang Yesterday, Today, & Tomorrow. Na-nominate ang idinagdag na cast na si Maricel Soriano bilang best actress pero disqualified ang movie sa best picture category, huh!

Allowed naman ang magpalit ng cast sa isang filmfest entry basta may approval ng MMDA na siyempre, kayang-kayang kunin ni Kris, huh!

Siyempre, andap din si Kris sa entry nina Vic Sotto at AiAi delas Alas dahil nasa cast na ng movie na My Bebe Love ng Pambansang Loveteam na sina Alden Richards at Yaya Dub.

Kung ang entry nina Vice Ganda at Coco Martin, idinagdag ang James Reid at Nadine Lustre loveteam, kailangang mag-isip din siya ng mainit na loveteam nang sa gayon, hindi siya mapag-iwanan sa takilya, huh!

Coleen pinaghihintay ng ilang taon si Billy bago pakasalan

Spoiled ang treatment kay Coleen Garcia na binigyan ng solo presscon ng Star Magic bilang pasasalamat sa pag-abot sa P100-M mark ng movie niya with Derek Ramsay na Ex With Benefits, huh!

Umani man ng papuri ang indie film ni Coleen na #Y, naudlot naman ang acting career niya nang biglang isama sa hosts ng It’s Showtime. Kaya naman feeling niya sa tagumpay ng EWB, naipagpapatuloy niya ang kanyang mga pangarap maging artsita.

“I feel like I’ve starting to finish everything that I’ve started in terms of acting. Then I stopped going to school but now, I am going back to school. I have sense of fulfillment now and that sense of fulfillment is driving me better now! Ang sarap ng feeling!” rason ni Coleen nang humarap sa press.

Siyempre, naungkat din ang reaksyon niya sa pahayag ng boyfriend na si Billy Crawford na gusto na siyang pakasalan.

“Hindi pa naman. Ha! Ha! Ha! Mga ilang years pa!” sabi ng seksing aktres. “Gusto ko siyang pakasalan siyempre. I wouldn’t be naman with anybody unless I actually plan to be with that person forever.

“Pero si Billy, naiintindihan naman niya ako na ang dami kong tapusin sa buhay ko!” katwiran ni Coleen.

After pairing with Derek, dalawang aktor ang bagong makakaromansa ni Coleen sa susunod na pelikula. Kahit na nga binansagan siyang Sexy Box-office Star, hindi isyu sa kanya kung maging ganoon ang career path niya.

“Wala naman isyu sa akin ‘yon. Hindi naman every role requires me to go sexy. Baka magsawa sa akin ang tao kung palaging sexy. I want to prove that I can do more than that!” tugon ni Coleen.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

COLEEN

DEREK RAMSAY

LEFT

MAYOR HERBERT

MOVIE

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with