Ryzza Mae hiyang-hiya ‘pag pinupuri
Hiyang-hiya si Ryzza Mae Dizon nang marinig nito ang mga papuri sa kanya ng co-stars niya sa The Ryzza Mae Show Presents Princess in the Palace.
Napansin ng mga reporter na nagtatakip ng mukha at napapangiti nang lihim si Ryzza Mae nang sabihin ng co-stars niya na magaling siya na artista at very pleasant na katrabaho.
Kinilig si Ryzza sa dialogue ni Marc Abaya na parang umiilaw o nagliliwanag ang set ng Princess in the Palace kapag dumarating siya.
Bilib na bilib kay Ryzza Mae ang mga kasamahan niya sa teleserye dahil bukod sa mahusay umarte, marunong siya na mag-adlib. Hindi rin niya nakakalimutan ang kanyang mga linya, kesehodang ilang araw nang nakunan ang mga eksena niya.
Anak ni Mother Lily, nag-Grace hindi sumama sa ina
Dumalo si Mother Lily Monteverde sa announcement ni dating DILG Secretary Mar Roxas na tatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016. Ginanap ang announcement ni Papa Mar sa Club Filipino.
Kahapon naman, ang anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde ang na-sight sa UP Bahay Alumni sa announcement ng presidential bid ni Senator Grace Poe.
Hindi isyu ang magkaibang presidential candidates na susuportahan ng mag-ina dahil normal na nangyayari ito, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
GoNaPoe at SayChiz tandem, kumpirmado na!
Dumagsa kahapon sa UP Bahay Alumni ang mga sumuporta noon sa presidential bid ni Fernando Poe, Jr.
Binuhay ng mga supporter ang alaala ni Kuya Ron dahil isinuot uli nila ang mga t-shirt na may tatak na FPJ for President Movement.
Umapir din sa important announcement ni Mama Grace ang mga supporter nila ni Senator Chiz Escudero.
Confirmed na running mates ang dalawa dahil sa mga t-shirt na may tatak na GoPoe at SayChiz.
Direk Chito umaasang dudurugin ni Grace ang mga corrupt
May opinyon ang direktor na si Chito Roño tungkol sa presidential bid ni Mama Grace. Inilabas ni Chito ang saloobin niya sa kanyang Facebook account.
“I have my own doubts about Poe. But who doesn’t about the others as well. I have in a short period seen her ability to listen and understand people and I felt her sincerity. I also felt a flashback of anger as I remember how FPJ whom I believed and supported was cheated not just by GMA but by the political system that feeds this deplorable political system of corruption and dynasties.
“I still remember a businessman in Davao airport mocking us at the departure area while I was reading about FPJs massive following. I know he knows we were going to be defeated because he knew how their system can. I don’t know him but in my heart I pray we make Grace Poe crush this system and humble the arrogance of the corrupt.”
- Latest