Manny Villar ipakikita ang magarbong bahay sa Tagaytay
MANILA, Philippines – ‘Pag sinabing bahay, mawawala ba naman ang pangalang Manny Villar? Paano kaya nangyari na ang isang taga-Tondo na walang sariling tahanan noon ay pinakamalaking homebuilder na sa Southeast Asia ngayon? Iyan ang aalamin ni Kara David sa Powerhouse ngayong Miyerkules.
“Kapag minahal mo ang pera, hindi ka yayaman.” Ito ang paninindigan ni Manny Villar sa negosyo maging sa kanyang buhay. Sa net worth na umabot sa $1.5 billion, si Manny ang nasa ika-13 puwesto sa listahan ng Philippines’ 50 Richest ngayong taon ayon sa Forbes Magazine. Paano nga ba tinahak ni Manny ang tagumpay sa pamamagitan lang ng sipag at tiyaga?
Ikukwento ni Manny ang nagging karanasan niya mula noong siya’y musmos pa lamang na nagtitinda ng isda at hipon sa Divisoria kasama ang kanyang ina hanggang sa makapagtapos ng kursong Business Administration at Accountancy, nakapagtrabaho sa mga malalaking kumpanya, at sumabak sa pagpapatayo ng low downpayment houses.
Sa Tagaytay City matatagpuan ang rest house ng Pamilya Villar. Swiss ang tema ng luxury properties na ito. Sa rami ng pine trees na nakapaligid na mula pa raw sa New Zealand, para ka na rin daw nag-Baguio. Mayroon itong veranda o breakfast nook na pinakapaboritong parte ng bahay ni Manny. Mas artistic daw ang mga painting na makikita rito kumpara sa bahay niya sa Las Piñas at The Fort, pero halaman at garden ang mas gustong ayusin ni Manny.
Samahan si Kara David na libutin ang rest house ng mga Villar sa Tagaytay at kamustahin si Manny Villar halos anim na taon matapos tumakbo at matalo sa pagkapangulo ng Pilipinas. Gaano katagal niyang dinamdam ang kabiguang ito? Tuluyan na nga kaya siyang nakabangon mula sa pagkasawi? Ano ang words of wisdom niya para sa mga nabibigo paminsan-minsan kagaya niya?
Alamin ang sagot sa Powerhouse ngayong Miyerkules sa bago nitong oras, 5:20PM sa GMA 7.
- Latest