^

Pang Movies

Happy Truck Ng Bayan magpapasaya na rin sa mga probinsya!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang buwan matapos ipakilala sa publiko, patuloy pa rin ang happiness-on-wheels ng TV5, ang Happy Truck Ng Bayan, sa paghahatid ng saya’t ligaya sa milyong-milyong Pilipino saan man sa bansa. Mula sa una nitong episode sa Tondo hanggang sa pinakahuling episode nitong nakaraang linggo sa Pampanga, pinatunayan ng HTNB na ang presensya nila sa mga barangay ang pinakatotoo at epektibong paraan ng pagbibigay inspirasyon at pagpapasaya sa mga manonood.

Ayon kay TV5 Chief Entertainment Content Officer Wilma V. Galvante, dinisenyo ang programa na may pagsasaalang-alang sa mga manonood. Sa halip na ang mga manonood ang papupuntahin sa mga studio, naisip ni Wilma na dalhin mismo ang saya’t ligaya sa mga barangay.

“Kailangan kasi patuluyin kami ng mga manonood sa kanilang mga tahanan at maging parte kami ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Siyempre, para mangyari ‘yon, kailangan literal na kumatok kami sa mga pintuan nila,” lahad ng TV5 executive.

Dito nabuo ang pinakamalaking proyekto ng TV5. Pinagsama-sama ng Happy Truck Ng Bayan ang pinakamalalaking Kapatid stars para siguradu­hing maihahatid ng programa ang lingguhang saya’t ligaya sa mga barangay. Pinangunahan ng Kapatid singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang powerhouse ensemble of stars na bumubuo sa programa. Maging si Ogie ay nakatikim ng hatid saya’t ligaya ng HTNB sa kanilang reunion ng kanyang long-time friend at partner-in-crime na si Janno Gibbs sa programa.

“Talagang masayang makatrabaho si Janno. It feels good to collaborate with a good friend like him. Complementary kami sa isa’t isa e. Bukod sa mga game segments, may mga music segments itong programa kaya talagang makakaroon kami ng song numbers ni Janno. Masaya akong kasama ko na siya dito sa TV5,” lahad ni Ogie.

Kasama sina Derek Ramsay, Gelli de Belen, Mariel Rodriguez-Padilla, Jasmine Curtis Smith, Empoy, Tuesday Vargas, Kim Idol, Eula Caballero, Martin Escudero, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Valeen Montenegro, Toni Aquino, Tom Taus, at ang mga Kapatid kilig stars na sina Mark Neumann, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Sophie Albert, at Vin Abrenica sa mga HappyPeeps na bumubuo sa programa.

Habang mas dumarami ang mga barangay na napapasaya ng HTNB, mas lalo ring dumadami ang nakikisayang mga artista sa biyaheng happiness na hatid nito. Ilan lamang sa mga featured guest hosts sina Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, Bianca King, Carl Guevarra, Randy Santiago, at Bituin Escalante.

Mas lalo pang pinatindi ang laughtrip at kasiyahan dulot ng mga bagong segments na idinagdag sa programa. Kamakailan lang, pinag-usapan ng mga netizens ang mga machong blue-collar workers sa personality search na OCW: Oh! Construction Worker!

Samantala, kinikilala naman ang mga ulirang mamamayan ng barangay sa segment na Barangay Bayani. Pero ang pinaka-highlight parin ng programa ay ang jackpot round na Kwarta o Kwartruck kung saan may pagkakataong manalo ang mga manlalaro ng hanggang PHP 300,000.00 linggo-linggo!

Sa susunod na mga linggo, dadayuhin naman ng Happy Truck Ng Bayan ang mga bayan sa labas ng Maynila. Simula sa pinakahuling episode nito na ginanap sa Pampanga, aarangkada ang biyaheng happiness sa mga bayan sa Hilaga at Timog Luzon, pati narin sa mga pinakamatataong lugar sa Visayas at Mindanao.

Abangan ang Happy Truck Ng Bayan kada Linggo, 11:30 AM sa TV5!

vuukle comment

ACIRC

AKIHIRO BLANCO

ALWYN UYTINGCO

ANG

BARANGAY BAYANI

BIANCA KING

BITUIN ESCALANTE

HAPPY TRUCK NG BAYAN

KAPATID

MGA

PROGRAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with