^

Pang Movies

Nadine mas maganda na kay Kathryn?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumalamang na raw ang hitsura ni Nadine Lustre sa sinasabing ka-look-alike na si Kathryn Benardo. Naging tatak ng young actress ito nang magsimula siya sa showbiz.

‘Yun nga lang, as time progresses, lumalabas na ang natural na ganda ni Nadine, huh! Ayon sa ilang showbiz writers, nagkakaroon na siya ng ibang aura lalo na’t pinagkatiwalaan sila ng Dreamscape Entertaiment upang magbida sa unang teleserye na On The Wings of Love na mapapanood na sa August 10.

Indirectly, masasabing head on collision na ang labanan ng loveteam nina Nadine at James Reid kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa on-going na Pangako Sa ‘Yo ng dalawa.

Eh, sa presscon ng series nila, dama raw nila ang pressure na may halong kabog sa dibdib ang tiwalang ibinigay sa kanila.

“Hindi lang kasi puro romantic scenes ang kuwento. Nandoon din ‘yung complication sa relationship namin,” saad ni Nadine.

Kahit na nagkaroon ng konting tinik sa loveteam nila ni Nadine dahil sa tsismis tungkol sa panliligaw diumano ni James kay Julia Barretto, wala namang naging problema habang nagti-taping sila.

Ayon kay James, aware naman daw siya sa tsismis na ‘yon. Pero hindi na lang daw niya pinapansin. Sabi pa ni Nads, “Hindi pa kami nag-aaway ni James!”

Sa totoo lang, lumalamang na ang JaDine love­team ngayon dahil gabi-gabi na silang mapapanood sa OTWOL. Siyempre, bukod sa mga eksenang kinunan sa San Francisco, California, kaabang-abang din ang pagdi-display ni James ng magandang katawan niya sa teleserye, huh!

Handang rumampa ng nakahubad volleyball players na sina Alyssa, Dindin, Jaja at Rachel, mas mapangahas na kesa sa mga artista!

Top volleyball players ang kinunang ambassadors ng PLDT para sa kanilang bagong produkto na PLDT HOME Ultera. Eh, pang-barkada at pampamilya ang pro­duktong ito kaya naman swak sa produkto ang sikat na volleyball players natin.

Sina Alyssa Valdez, ang kambal na Dindin at Jaja Santiago, Rachel Daquis, Ara Galang, Mika Reyes, John Vic de Guzman at Peter Torres ang present sa press launch ng produkto kahapon. Ipinakita nga ng PLDT boss na si Gary Dujali ang mainit na response sa mga player nu’ng magkaroon sila ng launch sa ilang probinsiya.

Ano naman ang feeling ng superstar treatment sa kanila ng mga tao?

“Personally, as a player and student athlete, we really don’t feel na ganoon ang nangyayari sa amin. Kasi most of our time, we spend it sa training sa school and we’re guided also by support system.

“But we’re really happy that we could help endorse and be ambassadors ng iba’t-ibang companies. Aside from that, we’re really blessed to be part of this kind family,” saad ni Alyssa na isa sa dumalo sa launch.

Natanong din ang volleyball superstar kung totoo bang siya ang nililigawan ngayon ni Kieffer Ravena matapos itong makipaghiwalay sa kasama niyang ambassador na si Mika Reyes.

“Hindi po totoo ‘yon! Friend po kami ni Kieffer sa Ateneo. Wala po talaga,” tugon ni Alyssa.

Ang isa pang napag-usapan sa press launch ay ang ginawang pag­rampa ng sexy sa FHM ni Rachel. Kaya ba nilang magpaseksi rin sa pagrampa?

“Kaya ko po ‘yon! Ha! Ha! Ha!” sagot ng may-asawa nang si Dindin.

“Sakto lang po! Ha! Ha! Ha!’ bulalas naman ng kakambal at single pang si Jaja.

Pero kung sakaling aaluking mag-artista, welcome naman sa kanilang subukan ito. But for the meantine, ang volleyball at tapusin muna ang pag-aaral ang priority ng apat.

 

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA

ANG

ARA GALANG

AYON

DANIEL PADILLA

DINDIN

DREAMSCAPE ENTERTAIMENT

GARY DUJALI

MIKA REYES

NADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with